Wednesday, March 3, 2010

Aralin 13 - Pag-unawa sa Babae

Ang babae at ang lalaki ay magkaiba. Kaya kung ibig nating mamuhay ng masaya ay kinakailangan nating unawain ang isat isa. Narito ang anim na kinakailangang malaman ng lalaki tungkol sa babae.

1. Una: Kailangan ng asawang babae ang pagpuri at pagtulong ng kanyang asawa. Tugkol sa masarap na pagkain, malinis na bahay, pagiging tapat sa asawa: ang mga ito ay dapat mapuri.
Galatai 6:2. Tama (T) o Mali (M)?
__ ang babae ay naiinep at gusto niya ng naiiba naman.
__ Kailangan ng asawang babae na nagtatrabaho ang tulong ng asawang lalake sa mga gawaing bahay.
__ Ang mag-asawang nagtatrabaho sa labas ay kinakailangan ding magtrabaho sa loob.

Malaking mga pagkakaiba

2. Ang ikalawa ay: Iba ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng babae.
- inihahayag ng mga lalake ang mga bagay-bagay lamang.
- Idinadagdag ng mga babae ang kanilang nadarama sa mga baga-bagay.
- Kayat kailangan ng babae ang pakinig ng kanyang asawa.
Santiago 1:19, "Ang bawat tao ay dapat maging mabilis sa pakikinig."

3. Ikatlo: Ang mga lalaki ay mas nag-iisip; ang babae ay mas nakikiramdam.
- Mas malimit ginagamit ng mga lalake ang kaliwang bahagi ng kanilang utak na naglalaman ng impormasyon sa tuwid na mgalinya,
- Mas malimit ginagamit ng mga babae ang kanang bahagi ng kanilang utak na naglalaman ng impormasyong pabilog ang ayos.
- sapagkat kapawa mahalaga ang kaparaanan ng pagiisip, kailanan nating makinig sa isat isa.
Apocalipsis 3:22. "Ang may pandinig ay makinig."

4. Ang ika-apat: Ang lalaki ay nakikilos ng kanyang nakikita, subalit ang babae ay nakikilos ng kanyang nadarama. Awit ng mga Awit 2:14. Wika ng lalaki, "Ipakita mo sa akin ang iyong mukha."
Awit ng mga Awit 2:6. Wika ng babae, "Ang kanyang kaliwang kamay sana ay nasa ilalim ng aking ulo, at ang kanyang kanang kamay ay niyayakap ako!" Kayat ang matalinong lalaki ay gugugol ng panahon upang hagpusin at akapin ang kanyang asawa upang maging handa sa pagtatalik.

5. Ika-5. Gusto ng babae ang ibat ibang paraan ng pagpahayagng pagmamahal.
Mayroong tatlong pangunahing paraan ng pagpapahayag:
#1 casual -- paghahawakan ng kamay
#2 intimate -- paghahalikan
#3 sexual -- pagtatalik

Tama (T) o Mali (M)?
__ Ang lalaki ay ibig bumilang ng #1, #2, tapos #3.
__ Minsan ang babae tumitigil sa #1, o sa #2, o sa #3.
__ Yung mga babaeng nakalampas sa menopos ay maaaring makalimot na sa pagbilang.
Ang Roma 12:10 ay nagbibigay ng solusyon. "Magmahalan kayo na may pag-ibig bilang magkakapatid; sa pagpaparangal sa iba ay mag-unahan kayo."

Ang espirituwal na babae

6. Bago natin tingnan ang huling pagkakaiba ng literal na babae, tingnan natin ang espirituwal na babae. Sino siya?
Efeso 5:25, 32. Mga asawang lalaki, mahalin ninyo ang inyu-inyung mga asawa, gaya ni Kristo na nagmahal sa iglesya."
Sa dami ng mga iglesya sa paligid, paano ko malalaman ang tunay na iglesya ni Kristo ngayon?
Sa Apocalipsis 14 ay nagbigay ang Diyos sa atin ng pahayag tungkol sa misyon at pabalita ng Kanyang tunay na iglesya sa mga huling araw na ito. Tingnan natin ang anim na bagay.

7. Una: Ipinangangaral niya ang walang hanggang ebanghelyo sa buong mundo.
Apocalipsis 14:6. "Nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa gitna ng himpapawid, na may walang hanggang ebanghelyo na ipahahayag sa mga naninirahan sa lupa."
Ang ebanghelyo ay ang mabuting balita na si Jesus ay nagliligtas.

8. Pangalawa: Nananawaan siya para sa pagsamba kung Sabbath sa oras ngpaghatol ng Diyos.
Apocalipsis 14:7. Tama (T) o Mali (M)?
__ Ang paghatol ng Diyos bago siya dumating ay nagsimula sa langit noong 1844.
__ "gumawa ng langit at lupa" ay halaw mula sa ikalaawng utos!
__ Ang pagsamba sa araw ng Sabbath ay pagpaparangal sa Diyos na Manlalalang.

9. Pangatlo: Ang iglesya ni Kristo ay sumisigaw laban sa Babilonia.
Apocalipsis 14:8. "At isa pang anghel, ang pangalawa, ay nagsasabi, 'bumagsak, bumagsak ang dakilang Babilonia.'"
Ang Babilonia ay kumakatawan sapagkalito sa elihiyon dala ng paghahalo ng katotohanan sa kasinungalingan.

10. Ika-apat: Siay ay nakikipagdigma laban sa hayop, sa kanyang larawan at tatak sa Apocalipsis 14:9-11.
- Ang hayop ay kumakatawan sa kapangyarihan ng Roma.
- Ang laraan ng hayop ay nangangahulugan ng isang kumakatawan sa Roma.
- Ang tatak ng hayop ay ang pagsamba kung Linggo na ipinag-utos ng Roma.
- Ang galit ng Diyos ay tumutukoy sa pitong huling salot at sa apoy ng impiyerno

Ang paanyaya

11. Ang ika-5 ay: Ipinapahayag ng nalabing iglisya ni Kristo kapa ang kautusan at ang biyaya.
Apocalipsis 14:12. Tama (T) o Mali (M)?
__ iniingatan niya ang mga utos na iyon upang siya ay magkaroon ng kaligtasan.
__ Siya ay iniligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo.
__ Sumusunod siya sa mga utos ng Diyos hindi upang maligtas kundi sapagkat siya ay iniligtas sa pamamagitan ng biyaya.

12. Huli sa lahat, Ang nalabing iglesya ni Kristo ay nakakaranas ng mga pag-uusig.
Apocalipsis 12:17. "Nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang digmain ang nalabi sa binhi ng babae, ang mga tumutupad sa mga utos ng Diyos at ang mga may patotoo ni Jesus."
Kaya't ang tunay na iglesya ni Kristo ay hindi sikat at nakakaranas ng galit ni Satanas. Tulad ng kanyang Panginoon, tinitiis niya niya ang mga pag-uusig.

13. Ngayon, ang Diyos ay may tapat na mga tao sa lahat ng relihiyon at sa lahat ng mga iglesya. At ikaw at ako ay tinatawagan niya na pumasok sa kanyang nalabing iglesya.
Juan 10:16. "Mayroon akong ibang mga tupa na wala sa kulungang ito. Kailangan ko rin silang dalhin dito at kanilang papakinggan ang aking tinig. Kaya't magkakaroon ng isang kawan na may isang pastol."
Apocalipsis 18:2,4. "Bumagsak ang dakilang Babilonia!" "Magsilabas kayo sa kanya, bayan ko."
Ikawa ba aykabilang sa tupa ni Kristo?_________. Kabilang ka ba sa bayan ng Diyos? _________. Naririnig mo ba ang kanyang tinig? Tutugon ka ba sa panaagan Niya? ________.

"Minamahal kita!"

14. Ngayon ay balikan natin ang babae sa lupa. Ang ika-anim na pagkakaiba ay: Nasisiyahan siyang marinig na sinasabi ng kanyang asawa, "Minamahal kita."
Awit ng mga Awit 1:15. ""O napakaganda mo, aking sinta!"
Ang mahalagang mga alilta "Minamahal kita" ay kinakailangang abihin ng asawang lalaki ng paulit-ulit sa kanilang asawa. Sabihin iyon! Awitin iyon! Isulat iyon! Ipakita iyon!

15. Yan mismo ang mga salitang sinasabi ni Kristo sa kanyang iglesya!
Jeremias 21:3. "Inibig kita ng isang alang hanggang pag-ibig."
At kung iyong itatanong: "Gaano mo ako kamahal?"
Sasagot siya: "Halika sa kalbaryo! Tingnan mo ang mga tinik sa aking kilay! Salatin mo ang mga pako na pumunit sa aking kamay! Pakinggan mo ang patak ng dugo sa lupa! Mahal kia! Mahal kita!"
Ano ang dapat kong maging katugunan?
Mga Awit 116:1. "Minamahal ko ang Panginoon."
"Jesus, mahal kita."

Oo

__ Oo. Magsasbi ako ng "Minamahal kita" sa aking asawa araw-araw.
__ Oo. Magsasabi ako ng "Minamahal kita" sa aking Tagapagligtas araw-araw.
__ Oo. Ibig kong makabilang sa nalabing iglesya ni Kristo ngayon.

Ang aking pangalan _______________________________________________________


Sunod Aralin 14 - Mga Sekreto ng Pagdisiplina


Isinalin sa Pilipino ni Jovenmarlo A. Imperio

No comments:

Post a Comment