Wednesday, March 3, 2010

Aralin 11 - Kalusugan at Kaligayahan

Aralin11

Kalusugan at Kaligayahan

Pano ako magiging malusog at maligaya?? Narito ang walong hakbang gamit ang acronym na NEWSTART.

Nutrition

1. N = Nutrition. Sa paglalang ay binigyan ng Diyos si Adan at si Eva ng pinakamahusay na pagkain - pagkaing vegetarian.
Nang magkaroon ng baha, noong ang lahat ng mga gulay ay naouksa, ay ipinahintulot ng Diyos ang pagkain ng karne.Ganon pa man, ang mga hayop ay nailagay na sa dalawang kategorya.
Gnesis 7:1, 2. "Kumuha ka ng tigpipito sa bawat malinis na hayop, lalake at babae, at dalawa sa mga hayop na hindi malinis, lalake at babae.
Paano natin malalaman ang pagkakaiba ng hayop na malinis at hayop na marumi?
Levitico 11:3, 7, 9, 10. Tama (T) o Mali (M)?
__ Ang mga hayop sa kati ay kinakailangang biyak ang paa at ngumunguya.
__ Ang mga baka, tupa at kalabaw ay malinis
__ Ang aboy ay maaaring malasa, subalit yon ay hindi malinis
__ Ang ma isda ay kinakailangang may palikpik at kaliskis
__Ang talangka, alamang, at hipon ay marumi
__ Ang mga tilapia at dalagang bukid ay malilinis

2. Ano naman yong pangitain: "Tumindig ka Pedro, magkatay ka at kumain:?"
Gawa 10:13-17, 28. Tama (T) o Mali (M)?
__ Ang tinig ay nagsabi, "Ang nilinis ng Diyos ay huwag mong ituring na marumi."
__ Para sa pagbibigay diin, ang mga salitang iyon ay inulit sa kanya ng tinig!
__ Ang tinutukoy ng Diyos na kanyang nililinis ay hindi mga hayop, kundi mga tao.
__ Walang sinomang tao -- Judio man o Hentil, itim o puti -- ang "marumi at karumaldumal"

3. Ang mga sayantipico ay nagmungkahi ng pyramid ng Gabay sa Pagkain. Pansinin ang sumusunod:
- Ang pinakamalaking bahagi ay ang mga carbohydrates: mga butil, tinapay, kanin.
- Ang pangalawang pinakamalaking grupo ay ang mga gulay at prutas- Ang pangatlong malaking grupo ay ang mga protina: itlog, isda, beans
Ang pinakamaliit na grupo at ang mga taba, mantika, matamis

Tatlo pang hakbang

4. E = Exercise. 30 minuto araw-araw ang iniriricomenda. 30 minuto kada dalawang araw ang minimum. Anong exercise ang pinakamainam?
Aerobic exercise tulad ng pagtakbo, pagbibisekleta at paglangoy ang pinakamahusay sapagkat pinabubuti ng mga ito ang pagkilos ng puso at ang kalagayan ng mga daluyan ng dugo. Paglalakad ang pinaka madali, pinaka ligtas at pinakamabuti.

5. W = Water. 70% ng aking katawan ay tubig! Tama (T) o Mali (M)?
__ Kinakailangang uminom ako ng 6 hanggang 8 basong tubig araw-araw.
__ Ang pagka-uhaw ang magandang palandaan na kailangan kong uminom ng tubig
__ Ang mga soda at soft drinks ay mabuting pampalit sa tubig

6. S = Sunshine. Paano ito nakaaapekto sa kalusugan?
Pinapatay nito ang mag germs. pinapadali ang paggaling, pinararami ang mga endorphins na sanhi ng masayang pakiramdam, tumutulong upang ang balat ay makagawa ng Vitamin D, pinalulusog ang balat kung hindi labis, ngunit kung labis naman ay sanhi ng cancer sa balat.

Tagumpay!

7. T = Temperance. Ano ang kahulugan nito.
1 Corinto 9:25. "Ang bawat nakikipaglaban sa laro ay nagpipigil sa sarili sa lahat ng mga bagay."
Ang tunay na pagpipigil ay nangangahulugan ng paggamit ng katamtaman sa mga bagay na nakakatulong, at pag-iwas sa mga bagay na nakakapinsala. Tama (T) o Mali (M)?
__ Ang alak ay nakakasira sa atay, nakakasira din sa puso at dahilan ng paghina ng pag-iisip.
__ Ang sigarilyo ay sanhi ng sakit sa baga, emphysema, at cancer.
__ Ang mga nakakapinsalang mga droga ay sanhi ng halusinasyon at sumisira sa pag-iisip at sa katawan.

8. Ano ang maaari kong gawin upang mapanagumpayan ang hindi nakalulusog na gawain at magkaroon ng NEWSTART?
- Alamin at solusyunan ang ugat ng suliranin. Ang pagiging addict ay maaaring simtomas lamang ng suliranin.
- Magkaroon ng matibay na kapasyahan: Nagpasya akong itigil na iyon ngayon!
- Umiwas sa mga lugar at mga tao na nanunukso sa akin
- Maglakad, huminga ng malalim. Ang pageehersisyo ay nakakatulong.
- Uminom ng maraming tubig upang malinis ang sistema.

9. Subalit dahilan sa pagiging addict ang gawa ng demonio, kailangan natin ang tulong ng Diyos upang iyon ay mapanagumpayan.
- Ask. Manalangin at humiling ng lakas tuwing umaga at sa bawat sandali ng tukso.
- Believe. Tiyaking dinidinig ng Diyos ang aking dalangin.
- Claim. Pasalamatan ang Diyos sa pagtatagumpay. At kumilos tulad ng nagtagumpay.
Ang mabuting balita: Maaari mong maranasan ang tagumpay na yan ngayon!

kalusugan ng pag-iisip

10. A = Air. Ito ay napakahalaga sa buhay!
Genesis 2:7. "At nilalang ng Panginoong Diyos ang tao... at hiningahan ang mga butas ng kanyang ilong ng hininga ng buhay."
- bawat 10 hanggang 15 segundo ang dugo sa aking katawan ay nakakakumpleto ng pag-ikot.
- ang osygen ay napapadaloy sa 60,000 milia ng daluyan ng dugo!
- Ang oxygen na ito na naghahatid ng buhay ay inihahatid sa 300 trillion na selyula ng katawan!
- Kaya't kailangan ko ang regular na paglanghap ng sariwang hangin na kaloob ng Diyos.

11. R = Rest. Pahinga. Kailangan natin ito araw-araw.
Mark 6:31. "Pumunta kayo ng bukod sa isang dakong ilang at magpahinga kayo ng sandali."
Sapat na oras ng pagtulog anim hanggang walong oras araw-araw - pinapahintulutan nito ang katawan na mapalakas muli ang kanyang sarili.
Kailangan din natin ng pahinga sa loob ng isang linggo.
Marcos 2:27. "Ang Sabbath ay ginawa para sa tao."
Ang Sabbath ng Diyos tuwing Sabado ay nagkakaloob ng kapahingahang pang pisikal, mental, at espirituwal.

12. T = Trust in God.
Kawikaan 3:5, 6. "Sa Panginoon ay buong puso kang magtiwala... Sa lahat ng iyong mga lakad siya'y iyong kilalanin, at itutuwid niya ang iyong mga landasin."
Mga mga pinagaabalahan sa buhay ay maaaring maging sanhi ng pagkabaliw. Subalit wika ng Diyos: Magtiwala ka sa akin. Ilagak mo sa akin ang lahat ng iyong kabalisahan. Ako'y nagmamalasakit sa iyo. (1 Pedro 5:7)
Ang pagtitiwala sa Diyos ay nakakatulong sa kalusugan ng pag-iisip at sa kaligayahan.
Kawikaan 17:22. "Isang mabuting gamot ang masayang puso."
Isaias 26:3. "Iyong iingatan siya sa ganap na kapayapaan... sapagkat siya'y nagtitiwala sa iyo."

Pagpapagaling

13. Pag minsan ang Diyos ay gumagawa ng himala! Palagi ba siyang nagpapaaling kapag tayo ay dumalangin? 2 Cornto 12:7-9. Tama (T) o Mali (M)?
__ Si Apostol Pablo ay nagkaroon ng karamdaman, "isang tinik sa laman."
__ Siya'y nanalangin ng apat na beses upang yon ay pagalingin.
__ Sa halip na siya ay pagalingin ay binigyan siya ng Diyos ng kakayanan upang makayanan niya ang sakit.

14. Kayat ang Diyos ay nagkakaloob ng pagpapagaling sa tatlong magkakaibang mga paraan.
- Minsan ay gumagawa siya sa pamamagitan ng manggagamot. (Lucas 5:31)
- Pag minsan ay gumagawa siya ng himala! (Santiago 5:14-16)
- Subalit sa lahat ng panahon ay ginagamit Niya ang NEWSTART


Tatlong Dahilan

15. Kaya bakit ko kinakailangang sundin ang mga batas ng Diyos tungkol sa kalusugan?
Isaias 58:8. Una sa lahat, "Ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw."
1 Corinto 6:20. Ikalawa, "Sapagkat kayo'y binili saisang halaga." At ano ang halaga?
1 Pedro 1:18, 19. Ang "mahalagang dugo ni Kristo."
Kaya't ang aking katawan ay hindi ko sariling pag-aari. Hindi ako malaya upang gawin dito ang gusto kong gawin. Sa kalbaryo ay binili ako ni Kristo, at kinakailangang magbigay lugod ako sa kanya sa pamamagitan ng pangangalaga sa kanyang pagaari.

16. Mayroon pang ikatlong dahilan kung bakit dapat sundin ang NEWSTART ng Diyos
1 Corinto 6:19. "O hindi ba ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nsa inyo, na tinanggap ninyo mula sa Diyos at kayo ay hindi sa inyong sarili?"
Ang aking katawan ay templo ng Diyos! Tunay na napataas na pribilihio!


Ang aking kapasyahan

__ Opo. Tinatanggap ko ang NEWSTART na panukala ng Diyos sa aking buhay.
__ Kaagad kong sisimulan ang pag-akyat sa walong baitang tungo sa kalusugan at kagalingan
__ Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, mararanasan ko ang ABC ng pagtatagmpay ngayon mismo
__ Sapagkat si Kristo ay namatay para sa akin gusto kong manirahan sa akin ang Kanyang Banal na Espiritu.


Ang aking pangalan __________________________________________


Tingnan kung tama ang iyong mga sagot: 1. T,M,T,T,T,T 2. T,M,T,T 5. T,M,M/ 7. T,T,T 12. T,M,T.


Sunod: Aralin 12 - Responsableng mga Magulang

Isinalin sa Pilipino ni Jovenmarlo A. Impeiro

No comments:

Post a Comment