Wednesday, March 3, 2010

Aralin 12 - Responsableng Mga Magulang

Aralin 12 - Responsableng Mga Magulang

Dalawang ina ang humarap kay Haring Solomon. Noong gabi ay nahigaan ng pabayang ina ang kanyang anak. Noong mapansin niya na ang kanyang anak ay namatay, pinagpalit niya ang mga sanggol! Ngayon ay pareho silang nagaangkin sa buhay na sanggol.

1. Marami ngayong mga pabayang mga magulang ang pinapatay rin ang kanilang mga anak. Tama (T) o Mali (M)?
Pinapatay nila ang mga anak nila sa pamamagitan ng:
- pagpapalaglag
- paggamit ng droga
- sexual na pag-abuso sa bata
- paninigarilyo at pag-inom ng alak sa panahon ng pagbubuntis
- pagkakaroon ng AIDS sa panahon ng paglilihi
- pangaabusong pisikal o emosyunal

Pangangalaga

2. Sa isang panig naman, ang mapangalagang mga magulang ay nagpapalaki sa kanilang mga anak. Narito ang limang mga paraan upang iyon ay magampanan. Una, pahalagahan ang pagiging kakaiba ng iyong anak.
Ang iyong anak ay kakaiba - sa mukha, sa tinig, mata, finger print at DNA. Kahit na meron silang pisikal o mental na mga limitasyon, sila ay special!
Mga Awit 139:14. Ang bawat sanggol ay "kakilakilabot at kamanghamangha" ang pagkagawa.

3. Ang pangalawang hakbang ay: Patibayin ang pagpapahalaga ng inyong anak sa kanyang sarili. Tama (T) o Mali (M)?
Mapatitibay ko ang pagpapahalaga sa sarili ng aking anak sa pagsasabi ng:
__ "Bobo ka" Naka A ang kapatid mo, ikaw B lang.
__ "Congrats!" Naka B ka na. Dati C lang.

Ang mabilis na daan patungo sa pagpapahalaga sa sarili ay ang pagaakay sa krus. Kapag nabatid ng mga bata kung gaano sila kamahal ng Diyos, natututunan din nilang mahalin ang kanilang sarili. "Sapagkat ikaw ay mahalaga sa aking paningin, at kagalang-galang, at minamahal kita."

4. Pangatlong hakbang: Gumugol ng mahusay na mga panahon kasama ng iyong anak.
Ecclesiastes 3:1, 2. "Sa bawat bagay ay may kapanahunan."
­- may panahon upang magtrabaho at panahon para maglaro. Kaya maglaan ng pahon para sa iyong anak.
- tanong: Spell "love", ano ang sagot ng mga bata?
- sagot: "T-I-M-E" Nakikita nila ang love kung ikaw ay may time para sa kanila.

5. Pang-apat, Magbigay ng Pagmamahal na Walang Condisyon
Jeremias 31:3. Tama (T) o Mali (M)?
__ Ang pinakamalaking pangangailangan ng isang bata ay ang katiyakan ng pagmamahal.
__ Kinakailangang sabihan ko ang aking anak, "Mahal kita" gaya nang sinasabi sa akin ng Diyos.
__ Ang pag-ibig na walang kondisyon ay nangangahulugan ng pagmamahal maging mabuti man o masama ang ugali.

6. Huli sa lahat, Palaguin ang iyong anak sa espiritwalidad
Deuteronomio 6:7. "Iyong ituturo nang buong sikap sa iyong mga anak".
Tuwing umaga at tuwing gabi ay magkaroon ng Sambahayang Pagsamba sa pamamagitan ng pagtipon sa inyong mga anak para sa kuwento mula sa Biblia o pag-aaral, panalangin at pagpuri.

Pananagutan

7. Kung paanong ang mga ina ay humarap sa hukuman ng Hari ng Israel, ganon din naman ang bawat tao ay tatayo sa harap ng hukuman ng Hari ng langit!
2 Corinto 5:10. "Sapagkat tayong lahat ay kailangang humarap sa hukuman ni Cristo."
Kaya't ang bawat isa--may-asawa o wala, magulang o anak--ay mananagot sa Diyos.

8. May dalawang yugto ang paghatol ng Diyos: Pre-Advent o Investigative, at ang Advent o Executive. Samantalang ang petsa ng Advent ay hindi alam, ang petsa ng Pre-Advent Judgement ay alam.
Daniel 8:14. "Hanggang sa dalawang libo at tatlong daang hapon at umaga; pagkatapos ay malilinis ang santuwaryo."
Sa propesiya sa Biblia, ang isang araw ay kumakatawan sa isang taon. (Ezekiel 4:6). Kayat ang propesiya tungkol sa 2300 mga araw ay nagsimula noong 457 BC (Daniel 9:25 at Ezra 7), at natapos noong 1844. Ang santuaryo na nilinis noong 1844 ay hindi ang santuwaryo sa lupa, sapagkat iyon ay matagal nang nasira. Iyon ay ang santuwaryo sa langit. (Hebreo 8:1, 2)

Ang Santuwaryo

9. Upang maunawaan ang paglilinis ng santuwaryo sa langit ay kinakailangan nating tumingin sa santuwaryo ng mga Israelita. una sa lahat ay mayroon doong pang araw-araw na ceremoniya.
Sa Levitico 4:32-35 ay sinasabi sa atin:
- Ang maysala ay nagdadala ng cordero, inihahayag ang kanyang kasalanan, at pinapatay ang hayop.
- Dinadala ng saserdote ang kaunting dugo ng hayop sa banal na dako
- Sa paraan ng isang simbolo, ang kasalanan ay inililipat mula sa may sala tungo sa cordero at sa santuwaryo.

10. Minsan sa isang taon, sa araw ng Pagtubos, ang punong saserdote ay pumapasok sa Kabanal-banalang dako at nagsasagawa ng seremonya ng paglilinis ng santuwaryo. Ang araw ng patubos na ito ay;
- isang solemneng araw. Araw ng pananalangin at pag-aayuno (Levitico 23:27)
- isang araw ng paglilinis. Ang nagsisising makasalanan ay pinapatawad magpakailanman (Levitico 16:29-31)
- isang araw ng paghatol. Ang makasalanan na hindi nagsisisi ay inihihiwalay magpakailanpaman (Levitico 23:29)
Kayat ang paglilinis ng santuwaryo ay nanganahulugan ng pre-Advent na paghatol na isinasagawa ng Diyos sa langit simula noong 1844.

Tagpo sa Hukuman

11. Ngayon, samantalang ang mga tao ay nakahanay sa lupa, ang paghatol ay nagaganap sa langit!
Daniel 7:9, 10. Sa pangitain, ay inilarawan ni Daniel ang tanawin. Tama (T) o Mali (M)?
__ Ang Diyos Ama, Ang Matanda sa mga Araw, ay nakaupo bilang hukom
__ Ang mga anghel ay tumatayo bilang mga saksi
__ Hindi tayo humaharap ng personal. Mga talaan sa langit ang nagsisilbing ebedensiya.
Sa Santiago 2:10, 11 ay sinasabi na ang batas ng hukuman ay ang Sampung Utos ng Diyos.

12. Sino ang tagapagusig? Sino ang tagapagparatang?
Apocalipsis 12:9, 10. Si Satanas ang tinatawag na "tagapag-paratang sa mga kapatid."
Siya ay hindi magandang amo! Tinutukso niya ako, tapos inaakusa ako! At kung ako ay maglingkod sa kanya, ang hatol sa akin ay: "Nagkasala!"

13. Gayon pa man, kung ako ay maglilingkod kay Jesus, ano ang nangyayari?
1 Juan 2:1 at Timoteo 2:5. Tama (T) o Mali (M)?
__ Siya ay nagiging Tagapamagitan ko, Tagapagtanggol, o Attorney.
__ Binabayaran ko siya para sa kanyang mga serbisyo sa pamamagitan ng aking ikapu at mga handog.
__ Ang hatol ay "Walang Sala!" "Ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang-hanggan."

Mga Gantimpala

14. Ngayon ay buoin natin ang kuwento. Paano ni Solomon nilutas ang kaso?
sa 1 Hari 3:23-27 ay sinasabi sa atin:
- Nagmungkahi siya na hatiin ang buhay na sanggol at ibigay sa dalawa ang tig-kalahati.
- Ang magulang na pabaya ay nagsabi: "Sige hatiin ang bata. Hindi yan magiging akin ni sa kanya man."
- Ang maingat na ina ay nagsabi, "O panginoon ko, ibigay mo sa kanya ang buhay na bata"
- Yon ang araw ng mga gantimpala! Dalawang ina! Dalawang gantimpala!
- Ang pabayang ina, ay malungkot na dinala ang kanyang anak sa sementeryo.
- Ang maingat na ina ay masayang dinala ang kanyang buhay na anak pauwi sa tahanan.

15. Di magtatagal ay darating si Jesus upang maghatid ng mga gantimpala. Ano ang kanyang sasabaihin?
Mateo 25:41. Sa mga kampon ni Satanas: "Magsilayo kayo sa akin."
Mateo 25:34. Sa Sambahayan ng Diyos: "Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula sa pagkatatag ng sanlibutan."
Kung ibig kong makabilang sa tatanggap ng gantimpala ni Jesus kinakailangan ay tanggapin ko ang bautismo ni Jesus ngayon.

Ang aking kapasyahan

__ Pahahalagahan ko at pangangalagaan ang aking anak bilang aking banal na responsibilidad.
__ Inilalagak ko sa kamay ni Jesus na aking Tagapagtanggol ang aking kalagayan.
__ Ako ay nagpasyang itagubilin ang aking buhay kay Jesus sa pamagitan ng bautismo ngayon.


Ang aking pangalan __________________________________________________


Tingnan kung tama ang iyong mga sagot 1. T,T,T,T,T,T 3. M,T. 5. T,TT 11. T,T,T 13. T,M,T.


Sunod: Aralin 13
Pag-unawa sa Babae


Isinalin sa Pilipino ni Jovenmarlo A. Imperio

No comments:

Post a Comment