Monday, March 8, 2010

Aralin 3 - Nababagay sa Pag-aasawa

Taon taon ay napakaraming mga magasawa ang naghihiwalay bunga ng pagiging hindi nababagay sa isat isa. Bago magpakasal ay dapat nating siyasatin ang bagay na ito. Pagkatapos ng kasal, nararapat lamang na pag-ibayuhin at mapalago ang pagiging nababagay ng magasawa. Sa liksyong ito ay sisiyasatin natin ang pitong susi para sa matgumpay na pagaasawa. Isa lamang sa pitong susing ito ang MASTER KEY!

1. Ng lalangin ng Diyos ang kaunaunahang magasawa, sinigurado niya na ang dalawa ay hindi magkukulang sa pagiging nababagay sa isat isa. Gen. 2:18, "Hindi mabuti na ang lalaki ay nagiisa. Igagawa ko siya ng isang katuwang na nababagay sa kanya."

UNANG ANIM SA PITONG MGA SUSI

2. Una sa mga susi ng pagiging nababagay ng magsasawa ay ang idad ng bawat isa.

* Sa bawat taon sa pagtanda ng tao ay mayroong katumbas na magkakaibang physiological na pangangailangan.
* Ang malaking agwat sa idad ng magasawa ay nangangahulugan ng malaking pagkakaiba sa physiological na pangangailangan ng bawat isa.
* Ito ay maaring magresulta ng malimit na di pagkakasundo ng magasawa.

3. Ang pangalawa ay tungkol sa edukasyon. Tama (T) o Mali (M)?
__ Ang pagkakaroron ng magkaibang antas ng pinag-aralan ay maaaring maging dahilan upang maging kaunti lang ang gawain ng mag-asawa na sila ay magkasama.
__ at kung ang mag-asawa ay magkahiwalay sa mga gawain sila ay nagkakaroon ng magkaibang grupo ng mga kaibigan, at ang magasawa ay nagkakalayo sa isat isa.
__ Sa halip na ang mag-asawa ay magkalapit, ang dalawa ay nagkakalayo.

4. Ang ika-apat na susi ay kalusugan.
3 Juan 2. "Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng bagay ay mapabuti ka at magkaroon ng kalusugan, kung paanong nasa mabuti ring kalagayan ang iyong kaluluwa."
Sa pagdami ng mga nakakahawang mga sakit, ang pagiging malusog ay napakamahalaga. Ang mga gawaing nakapagpapalusog ay mahalaga rin sapagkat ang mga gawain natin ngayon ang nagpapasya ng kalagayan ng ating kalusugan bukas.

5. Ika-apat ay ang kultura. Tama (T) o Mali (M)?
__ Ang ibang pagkakaiba sa kultura ay simple lang at madaling nasusulusyunan.
__ Ang iba ay masalimuot at kinakailangang pag-ukulan ng pansin upang matiyak ang tagumpay.

6. Ang ika-limang susi upang maging nababagay sa isat isa ay ang mga pinahahalagahan ng pamilya.
Ezekiel 16:44, 45. Ang mapangalunyang babae ay nagmana sa mga pinahahalagahan ng kanyang ina.
2 Timoteo 1:5. Ang maka-diyos na kabataan ay nagmana sa mga pinahahalagahan ng kanyang lola at ng kanyang ina. Sa tahanan nakakakita ng mga modelo ang mga bata at tinutularan ang mga pamantayan ng ugali. Ganon pa man ang iba, tulad ni Josiah, sa pamamagitan ng pagsisikap, ay maaaring magkaroon ng ibang ugali. (2 Cronica 33:1, 2, 21, 22; 34:1, 2)

7. Ang ika-pitong susi ay ang ugali. Mayroong apat na pangunahing uri ng ugali.
__ Ang Saguine, tulad ni Pedro, ay masalita at mapang-akit sa madla.
__ Ang Choleric, tulad ni Pablo, ay masipag, practical, at may matibay na kapasyahan.
__ Ang Phlegmatic, tulad ni Abraham, ay madaling makasama, matulungin, at mapagpayapa.
__ Ang melancholic, tulad ni Moises ay mahusay tumingin, madaling makilos ang emosyon, at mapaglikha.

Palagay ko ako ay _______________, at ang aking asawa ay ___________.

Narito ang ilang mabuting payo.
- Kung ako ay hindi pa kasal, kailangan kong suriing mabuti ang aming pagkakaiba.
- Kung ako ay kasal na, kailanan kong tanggapin at irespeto ang mga pagkakaiba namin.

Ang Master Key

8. Ang walong susi ay mahalaga, subalit ang master key ay ang pagkakaisa sa spirituwalidad.
Deuteronomio 7:3, 4. Ang mga Israelitang kumikilala sa Diyos ay hindi pinapahintulutang mag-asawa ng mga Canaanitang hindi kumikilala sa Diyos.
2 Corinto 6:14. "Huwag kayong makipamatok sa mga hindi mananampalataya."
Kapag ang kabiyak ay naglilingkod sa Diyos at ang isa ay naglilingkod kay Satanas, mayroong kagulo. Kung parehong naglilingkod kay Satanas, mas malaking kagulo! Subalit ang dalawa ay parehong naglilingkod sa Diyos, hawak nila ang Master Key upang maging nababagay sa isat isa!

9. Kaya't mayroong limang malaking mga katanungan ang dapat itanong at sagutin.
- Ako ba ay kabilang sa sambahayan ng Diyos?
- Ang aking bang kabiyak ay kabilang sa sambahayan ng Diyos?
- Paano kami nagiging kabilang sa sambahayan ng Diyos?

10. Ang karanasan ni Jacob ay nagbibigay sa atin ng sagot sa ikatlong tanong. Siya ay isang magnanakaw, sinungaling, at manlilinlang. Siya ay tumakas mula sa kanilnag tahanan, nag-iisa, miserable at nasiraan ng loob. Noong gabing yaon ay dinalaw siya ng Diyos sa pamamagitan ng isang panaginip tungkol sa isang hagdan at isang mensahe ng pagmamahal. Nakarating siya sa Haran, gumugol ng 20 taon sa pagtaguyod ng isang sambahayan at naging mayaman. Subalit sa kaibuturan ng kanyang puso ay hindi maganda ang kanyang relayon sa Diyos!

11. Isang araw, si Jacob ay nakatanggap ng hindi magandang balita! Ang kanyang kapatid na si Esau ay sumasalakay na may kasamang 400 na mga mandirigma!
Si Jacob ay nagsagawa ng pinakamahalagang kapasyahan niya sa buhay: "Kung si Esau ay darating sa kinabukasan, kinakailangang makipagkasundo ako sa Diyos ngayong gabi.!"
Iniwan ang kanyang pamilya at mga alagang hayop, si Jacob ay nagtungo sa ilang upang makipagkasundo sa Diyos. At biglang may humipo sa kanya, at ang pakikipagbaka niya sa buhay ay nagsimula!
Genesis 32:24, 30. Iyon ay tinatawag na "tao" at tinatawag na "Diyos," Ang Taong-Diyos na iyon ay si Jesus!

Mga Himala!

12. Si Jacob ay biglang nakaranas ng isang himala! Genesis 32:27, 28. "Ang iyong pangalan ay hindi na tatawaging Jacob, kundi ______________." Bakit binago ang kaniyang pangalan? Sapagka't ang kanyang pagkatao ay nabago! Hindi na siya magnanakaw; ngayon ay tapat na siya! Hindi na sinungaling; siya na ngayon ay tapat! Hindi na bigo; siya na ngayon ay isang matagumpay!

13. Kung paanong si Jesus ay gumawa ng himala para kay Jacob noong gabing iyon, Siya ay handang gumawa ng himala para sa iyo at para sa akin ngayong gabi! Ang aking dalangin ay dapat maging: "Lumalang ka sa akin ng isang malinis na puso, O Diyos; at muli mong baguhin ang matuwid na espiritu sa loob ko." Mga (Awit 51:10)
Ang sagot ng Diyos ay: "Bibigyan kita ng bagong puso, at lalagyan kita ng bagong espiritu sa loob mo." (Ezekiel 36:26)

14. At gagawa ng himala ang Diyos para sa akin!
Ang lasinggero ay magiging mapagpigil!
Ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay magiging malaya na sa pagkaalipin sa gamot.
Ang naninigarilyo ay makakaiwas na sa sigarilyo!
Ang nang-aabuso ay naging nangangalaga!

15. Iyon ay isang malaking pagbabago! Tama (T) o Mali (M)?
Ang pangangalunya ay pinapalitan ng kadalisayan!
Ang magulo ay nagiging matino!
Ang sugalero ay nagiging mapagimpok! Ang nananakit ay nagiging nagpapagaling! Sapagkat "Kung ang sinuman ay na kay Kristo, siya'y bagong nilalang; ang mga lumang bagay ay lumipas na, tingnan ninyo, ang lahat ay naging bago." (2 Corinto 5:17)

16. Gaano kahanda si Jesus na gawin ang himalang ito sa aking buhay? 2 Corinto 6:2 "Ngayon na ang panahong kanais-nais; ngayon na ang araw ng kaligtasan" Ang Jesus ring iyon na bumago sa buhay ni Jacob ay handa upang baguhin ang iyong buhay ngayon! Ito ang mga sandali para sa himala ng Diyos! Kung magkakagayon ay mapapasa iyong kamay ang Master Key upang kayong mag-asawa ay maging nababagay sa isat isa!

Ang aking kapasyahan

__ Opo, ibig kong makabilang sa sambahayan ng Diyos. Ibig kong magkaroon ng Master Key upang kaming mag-asawa ay maging nababagay sa isat isa.
__ Kabilang dito ang pagbabago. Ibig kong isagawa ng Diyos ang kanyang himala sa pagbago sa aking buhay ngayon.
__ Umaanib ako sa napapalooban ng mahimalang kaligtasan ngayon, sapagkat ang Diyos na makapangyarihan sa mga himala ay nananakop ngayon!"

Ang aking pangalan ______________________________________


Tingnankung tama ang iyong sagot: 3. T,T,T



Sunod: Aralin 4 - Paano ang pagsabi ng "Minamahal kita!"

Isinalin sa Pilipino ni Jovenmarlo A. Imperio

No comments:

Post a Comment