Monday, March 8, 2010

Aralin 4 - Paano ang pagsabi ng “Minamahal Kita”

Nang si Juan ay umuwi sa bahay mula sa trabaho ay inakap niya ang kanyang asawa at hinalikan, subalit siya ay walang kibo. Nang kanyang ihagis ang kanyang damit at inalis ang kanyang sapatos upang mag-relax sa sala, ang babae ay galit-na galit dahil sa mga kalat. At nang kanyang akapin siya nang gabing iyon, siya ay lumipat sa kabilang dulo ng kama! Ano ang kanilang problema?

Pagkilala

1. Si Juan at si Maria ay magkaiba. Kaya magkaiba ang pagpahayag nila ng kanilang ng pagmamahal. Mayroong tatlong pangunahing uri ng nagmamahal: Ang sanay sa paningin ay nagpapahayag ng kanyang pagibig sa pamamagitan ng mga paraang nakikita. Ang sanay sa pakinig ay nagpapahayag ng kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng mga paraang naririnig. Ang sanay sa pakiramdam ay nagpapahayag ng pag-ibig sa pamamagitan ng mga paraang nadarama.

Halimbawa, Ang babae na sanay sa paningin ay nagpapahayag ng kanyang pag-ibig sa pamamagian ng pag-iingat sa bahay upang maging laging maganda ang hitsura. Ang babaeng sanay sa pakinig ay gusto laging naririnig ang tinig ng kanyang asawa na nagsasalita.Ang lalake na sanay sa pandama ang gusto ay kahawakan ng kamay ang kanyang asawa samantalang sila ay naglalakad.

Bagaman ginagamit natin lahat ang mga paraang ito ng pagpapahayag ng pag-ibig, kalimitan ay may isa sa mga ito ang nangingibabaw.

2. Si Solomon at ang kanyang asawang Sunamita ay nagpapahayag ng mga pagkakaibang ito. Awit ng mga Awit 2:14. Wika niya, “O kalapati ko… Ipakita mo sa akin ang iyong mukha, …ang iyong mukha ay kaibig-ibig.” Awit ng mga Awit 2:14. Dagdag niya, “iparinig mo sa akin ang iyong tinig; sapagkat matamis ang iyong tinig.” Awit ng mga Awit 2:6. Pahayag niya, “Ang kanyang kaliwang kamay sana ay nasa ilalim ng aking ulo, at ang kanyang kanang kamay ay niyayakap ako.”

3. Ang unang hakbang ay: Kilalanin ang aking sarili at ang aking kabiyak. Kilalanin ang isat isa sa pamamagitan ng M (Mata – Mata), T (Tainga – Pandinig), H (Hipo)

____ Solomon
______ Juan
_____ ako

____ Asawa ni Solomon
______ Maria
______ asawa ko

4. Kung kami ng aking asawa ay magkaiba, ano ang dapat kong gawin? Tama (T) o Mali (M)?
___ Bayaan ang aming pagkakaiba sa pagasa na mawawala din yon.
___ Sikaping mabago ang aking asawa.
___ Tanggapin ang aming pagkakaiba. Igalang ang pagkatao ng aking asawa.

5. Ang pangalawang hakbang ay : Tanggapin at irespeto ang aming pagkakaiba. Kami ay ginawang ganon ng Diyos. Awit 139:15, 16 “Ang katawan ko’y hindi nakubli sa iyo, nang ako’y lihim na ginawa, mahusay na binuo sa kalaliman ng lupa… Nakita ng iyong mga mata ang aking wala pang anyong sangkap.” Kaya pag-pinagsisikapan kong baguhin ang pagkatao ng aking kabiyak, ay nagpapanggap akong Diyos!

Pagtingin sa kapakanan ng iba

6. Ang pangatlong sekreto sa pagkakasundo ay: Ang pagtingin sa kapakanan ng aking kabiyak ng higit sa sarili kong pangangailangan. Roma 12:10. “Magmahalan kayo na may pag-ibig bilang magkakapatid; sa pagpaparangal sa iba ay mag-unahan kayo.” Ito ang dakilang simulain ng pagtingin sa kapakanan ng iba. Ang ugat ng bawat pagtatalo ay “Ako muna” (Santiago 4:1, 2) Ang lunas sa pagtatalo ng magasawa ay “Ang asawa muna"

(Roma 12:10). 7. Sino ang pinakadakilang halimbawa ng pagtingin sa kapakanan ng iba? Filipos 2:3, 5 “Ituring na ang iba ay higit na mabuti kaysa inyong sarili. Magkaroon kayo sa inyo ng ganitong pag-iisip na kay Kristo Jesus din naman.” Ikinagalak ba ni Jesus ang kahirapan sa kalbaryo? Siempre hindi! Subalit sapagkat kailangan kong mamatay siya, siya ay nagtungo sa kalbaryo at namatay para sa akin. Siya ang ating halimbawa.

Sa pagsabuhay ng prinsipyo ng pagtingin sa kapakanan ng kapwa, Si Juan ay kinakailangang ______________________________________.
Si Maria ay kinakailangang ______________________________________.

8. Di ba mayroong tatlong paraan ng pagsabi ng “Minamahal kita”: Sa pamamagitan ng mata, ng tainga at paghaplos. Tanong: Ano ang pinakamahusay? Sagot: Ang pinipili ng aking kabiyak!

Ang pangako

9. Bago pumanhik sa langit, si Jesus ang pinakadakilang tagapagmahal sa buong mundo, ay nagbigay ng ganitong pangako. Juan 14:1-3. “Akoy paroroon upang ihanda ko ang lugar para sa inyo. At kung ako’y pupmaroon at maihanda ko ang isang lugar para sa inyo, ako'y babalik at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili, upang kung saan ako naroroon, kayo rin ay naroroon."
Dahil sa mga kakulangan ng kakayanan ko bilang tao, isa lang ang nagiging dominante sa aking pakikitungo sa mga nagmamahal sa akin dito sa lupa--sa nakikita, sa naririnig, at sa paghagpos.Subalit kapag si Jesus ay muling dumating ang lahat ng mga limitasyon ay mawawala! Makikita ko Siya! Maririnig ko Siya! At ako ay mahahagpos ng Kanyang maluwalhating presensiya! O yon ay tunay na magiging isang maluwalhating araw!

10. Ang ikalawang pagdating ni Kristo ay binabanggit sa mahigit 2000 beses sa Biblia!
- Enoch: "Narito, dumating ang Panginoon na kasama ang kanyang laksa-laksang mga banal." (Judas 14)
- Daniel: "Ang Diyos sa langit ay magtatatag ng isang kaharian." (Daniel 2:44)
- Mga Anghel: "Itong si Jesus, na dinala sa langit mula sa inyo ay darating na gaya rin ng inyong nakitang pagpunta niya sa langit." (Gawa 1:11)
- Pablo: "Ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may sigaw." 1 Tesalonica 4:16)
- Pedro: "Darating ang araw ng Panginoon na gaya ng isang magnanakaw." (2 Pedro 3:10).
- Juan: "Amen. Pumarito ka apanginoong Jesus." (Apocalipsis 22:20)

Makikita Siya! Maririnig Siya! Maaakap Siya!

11. Kapag ang ating Mapagmahal na Tagapagligtas ay dumating, ilan ang makakakita sa kanya?
Mateo 24:23, 27; Apocalipsis 1:7 Tama (T) o Mali (M)?
__ Kaunti lang. Iyon ay magiging lihim.
__ Ang lahat. Iyon ay mahahayag na parang kidlat!
__ Makikita siya ng bawat tao sa planetang ito!
Ang pagdating ni Kristo ay hindi isang lihim na karanasan. Ni hindi rin yon magiging isang spirituwalna pagpapakita sa kamatayan. Ang ikalawang pagdating ni Jesus ay literal, nakikita, at masasaksihan ng bawat tao!

12. Sa pagdating ni Jesus, sino ang makakarinig ng kanyang tinig?
1 Tesalonica 4:16. "Sapagkat ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may sigaw, may tinig ng arkanghel, at may trumpeta ng Diyos, at ang mga nangamatay kay Kristo ay babangon muna." Kayat ang bawat isa maging ang mga patay ay makakarinig ng kanyang tinig!

13. Ilan ang maaakap ng kaluwalhatian ng kanyang presensiya? "Makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian." -- Kanyang kaluwalhatian, kaluwalhatian ng Ama, at kaluwalhatian ng billion-billiong mga anghel!

Dalawang Sambahayan

14. Sa Apocalipsis 6:14 ay sinasabi sa atin na may malalaking mga sakuna na magaganap!
Ang langit ay malululon na parang banig! Ang mga bundok ay maaalis mula sa kanilang kianroroonan. Ang mga islaay mangawawala! Ang lahat ng mga bangko ay mawawalan ng laman, sapagkat ang pera ay mawawalan ng halaga! Ang lahat ng mga paasyalan ay mawawalan ng tao, ang mga pagsasaya ay mawawalan ng kabuluhan! Ang mga kuhanan ng alak ay magsasara sapagkat ang alak ay gagamiting panggatong sa apoy! Ang mga motel ay malulugi sapgkat ang mga hostess ay wala nang mga cliente!

15. Sa ara na iyon ay magkakaroon lamang ngdalawangsambahayan: Ang sambahayan ng Diyos at angsambahayan ni Satanas. Apocalipsis 6:16-17.
Apocalipsis 6:15-17. Ang sambahayan ni Satanas ay magsisipagtakbuhan sa mga bato at sa mga bundok at magsasabi, "Mahulogkayo sa amin at itago ninyo kami mula sa mukha ng nakaupo sa trono."
Isaias 25:9. Ang sambahayan ng Diyos ay magsisitingala at magsasabi, "Ito'y ating Diyos; hinintay natin siya at ililigtas niyatayo."
Ang malaking katanunganay: "Handa na ba ako sa pagdating ni Jesus?"


Ang aking panalangin
__ Panginoon, mahal kita. Ibig kitang makita, marinig ka, maakap ka, at makapisan ka hanggang sa walang hanggan.
__ Mangyari po na baguhin ninyo ang aking buhay at gawin ninyo akong handa na sumalubong sa Inyong Pagdating!"
__ Gawin kong sambahayan ang sambahayan ng Diyos -- habang panhon at hanggang sa walang hanggan. Amen.


Ang aking pangalan ___________________________________________


Tingnan kung tama ang iyong mga sagot: Solomom: V, A. Babae: K.Juan
K. Maria V. 4. M,M,T. 11. M,T,T.



Sunod: Aralin 5 - Paglutas sa mga sigalot.


Isinalin sa Pilipino ni Jovenmarlo A. Imperio

No comments:

Post a Comment