Sunday, March 7, 2010

Aralin 8 – Sanggol na lalaki! Sanggol na babae!

Paminsan-minsan ay may batang nagtatanong sa magulang, “Saan nanggagaling ang mga sanggol?” Tingnan natin ang mga sagot.

Paglilihi

1. Nilikha ng Diyos ang pagtatalik para sa pagiging isang laman ng mag-asawa (Genesis 2:24) at para sa pagkakaroon ng mga supling (Genesis 1:28). Paano nagaganap ang paglilihi?

Ang ovum ng babae. Buwan-buwan ang ovaryo ng babae ay naglalabas ng ovum o itlog sa fallopian tube. Ang itlog na ito ay naglalakbay sa falopian tube patungo sa uterus o bahay bata. Kung ang ovum ay hindi nabinhian, ang dugo sa utero ay nagiging hindi kailangan at iyon ay inilalabas, kaya nagkakaroon ng menstration.
Ang bindi ng lalaki. Sa panahon ng pagtatalik ang katawan ng lalaki ay naglalabas ng semen na naglalaman ng di mabilang na binhi na nagsisimula ng kanilang paglalakay sa oviduct sa paghahanap ng itlog.
Fertization. Kung ang tiempo ay tama, ang isang malakas na binhi ay nakakatagpo ng ovum at iyon ay binibinhian. At ang ovum na nabihian ay nagpapatuloy ng paglalakbay patungo sa bahay bata kung saanito gumagawa ng mahihigaan. Ang dugo ay nagaamitat ang menstration ay tumitigil. Nagkaroon ng paglilihi.Isangbagong buhay ang nagsimula!
2. Gaano kalaki ang ovum at ang binhi?
Ang itlog ng babae ay mas maliit pa sa tuldok sa dulo ng pangungusap na ito. Ang haba ng bindi ng lalaki ay 1/500 pulgada o 1/20 millimeter! Oh kahangahanga! Paano nagkakaroon ng puso, baga, utak, mga buto, at bagong sistema ng pag-anak ang gann kaliit na celyula?

3. Ang paglilihi ay isang kahangahangang himala!
Mga Awitt 100:3. “Kilalanin ninyona ang Panginoon ay Diyos! Siya ang lumalang sa atin, hindi ang ating sarili.”
Hindi tayo ang gumagawa ng mga bata.Ang Diyos ang tagagawa. Ang mgamagulangaypawangma sisidlan lamang para sa paggawa ng Diyos ng mga himala.

4. Sa loob ng kasunod na siyam na buwan, ang misteryo ng paglago ay sumusulong.
- Ang unang celyula ay nagpapatuloy sa pagdami hanggang sa panahon ng pagsilang ay mayroon nang isang trilyun na mga celyula.
- Ang iba’t ibang grupo ng mga celyula ang nagiging iba’t ibang organo ng fetus.
- At sumasapit ang mahimalang sandali naang sanggol ay isinisilang.

5. Ang lahat ba ng ito ay maaaring mangyari na walang nagdesenyo nito? Diba meyroong matalinong Lumikha?
Mga Awit 139:13, 14. “Sapagkat hinubog mo ang aking nasa loob na bahagi, at sa bahay-bata ng aking ina ina ako’y iyong hinabi. Ako’y magpapasalamat sa iyo sapagkat ang pagkagawa sa akin ay kakilakilabot at kamanghamangha. Ang iyong mga gawa ay kahangahanga; at iyon ay nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.”

Tunay nga, maging sanggol na lalaki o sanggol na babae,

ang bawat bagong silangay isang himala!

Anong bahagi ng himala tungkol sa pagsilang ang pinaka-nakamamanghasa para sa iyo?

Bagong Pagsilang

6. Ginamit ni Jesus ang tungkol sa pagsilang ng isang sanggol upang ituro kay Nicodemo ang himala ng espirituwal na pagkapananak. Juan 3:3, 4. Tama (T) o Mali (M)?

__ Sinabi ni Jesus, Kailangang isilang muli ang isang tao bago siya makapasok sa kaharian ng Diyos.

__ Sagot ni Nicodemo:Paano isisilang ang isang tao kung siya’y matanda matanda na?
__ Ang binabangggit ni Jesus ay hindi tungkol sa

pisikal na pagsilang muli kundi espirituwal na pagsilang.

7. Ang pisikal na pagsilang ay may dalawang
pangangailangan. Ganon din ang spirituwal na pagsilang.
Ano ang mga iyon?
Juan3:5 “Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang

sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak ng

tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa

kaharian ng Diyos.”

Kaya’t ang formula ay:
Binhi + ovum = Pisikal na buhay
Espiritu + tubig = buhay na walang hanggan

8. Ang kahulugan ng “isilang ng espiritu” ay kapatawaran

at pagkahikayat. Ang pagsilang sa pamamagitan ng “tubig”

ay tumutukoy sa bautismo.

Marcos 16:16. “Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay

maliligtas”

Pangangailangan

9. Ang pagkahikayat ay mahalaga. Ang bautismo rin ba ay
mahalaga para sa aking kalilgtasan?
Juan3:5 “Sumagot si Jesus, ‘Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y maipanganak ng tubig at ng espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Diyos.’”

10. Ano ang kahulugan ng bautismo? Roma 6:3, 4. Tama (T)
o Mali (M)?
__ Ginugunita ng bautismo ang pagkamatay, pagkalibing, at
pagkabuhay muli ni Jesus
__ Kumakatawan ito sa pagkamatay ko sa kasalanan,
paglillibing saluma kong buhay,at pagbangon sa isang
bagong buhay
__ Ang panlabas na anyo ng bautismo ay simbolo ng panloob
na pagkahikayat.
__ Hindi matuwid na bautismuhan ang mga sanggol sapagkat
hindi pa nila nauunawaan ang kahulugan nito.

11. Sapagkat ang bautismo ay nangangahulugan ng
kamatayan, pagkalibing,at pagkabuhay muli, ang paraan ng
pagsasagawa nito ay sa pamamagitan ng paglulubog Gawa
8:38, 39. “At silal’y kapwa lumusong sa tubig, si Felipe
at ang bating; at kanyangbinautismuhan siya.”

Mga halimawa

12. Ang ministro ng pananalaping Ethiopia ay isang kahangahanganghalimbawa./siya ay:

May pinag-aralan at may mataas na tungkulin.

Isang mananaliksik ng katotohanan, binabasa ang propesiya sa Isaias 53.

Itinuro ni Felipe na ang nagdurusang tulad ng tupa ay si Jesus.

13. Tingnan kung ano ang sunod na nangyari!

Gawa 8:36-38. Tama (T) o Mali (M)?

Ang bating ay humiling ng kaunti pang panahon upang pag-isipan ang tungkol sabagay na iyon.

Hindi na kinailangang magtanong si Felipe. Ang bating ay humiling na mabautismuhan.

Kaagad siyang nabautismuhan at siya ay humayo na nagagalak.

Kapag ako ay sumunod kay Jesus sa pamamagitan ng bautismo, ako rin, ay magagalak.

14. Ang bating na ingat yaman ay isang mabuting halimbawa. Subalit si Jesus ang pinakamabuting halimbawa.
Mateo 3:16 “At nang mabautismuhansi Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya.”

Kailangan ba ni Jesus mabautismuahan? Siemprehindi! Subalit siya ay binautismuhan bilang aking halimbawa.

15. At may kahanga-hangang bagay na nangyari! Mateo 3:17. “At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.”

Ang aking kapasyahan

__ pinupuri ko ang Diyos dahil sa buhay ng tao. Kakilakilabot at kamanghamangha ang pagkagawa sa akin.
__ Pinipili ko ang ako ay isilang muli: Sa loob ay pagkahikayat at sa labasnaman ay bautismo.
__ Sa isa sa mga araw na ito ay ibig kong sumunod kay Jesus sa bautismo.

Ang aking pangalan __________________________________

Tingnankung tamaang iyong magsagot: 6. T, T, T. 10. T, T, T. 13. M, T. T.

Susunod: Aralin 9 Paano Maiwasan ang Paghihiwalay.

No comments:

Post a Comment