Sunday, March 7, 2010

Aralin 7 – Ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa Sex

Saan mang lugar araw-araw , ang mga tao ay nag-uusap tungkol sa sex.

Sa araling ito, ay pakikinggan natin ang sinasabi ng Diyos tungkol sa mahalagang paksang ito.

Pagsang-ayon

1. Ang una nating kaalaman ay: Ang Diyos ang nag-embento sa pagtatalik. Sa napapalooban ng kasal, kanya itong ipinasulong. Genesis 2:24 “Kaya’t iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ang kanyang ina, at pumipisan sa kanyang asawan; at sila’y nagiging isang laman. Paano nagiging “isang laman” ang babae at ang lalaki? Sa pamamagitan ng pagtatalik. Kaya’t ang Diyos ang nag-embento ng pagtatalik! At ipinagkaloob niya ito sa dalawang mag-irog bago pa pumasok ang kasalanan.

2. Sa Eden, ito ay ipinasulong ng Diyos Ama, at sa Palestina ito ay ipinasulong ng Anak. Mateo 19:6 “Kaya, hindi na sila dalawa, kundi isang laman.” Sapagka’t ang pagtatalik ay nilikha at ipinag-utos ng Ama at ng Anak, sa napapalooban ng kasal: Iyon ay hindi pangkaraniwan, iyon ay banal! Iyon ay hindi kadiri! Iyon ay banal! Iyon ay hindi marumi! Iyon ay malinis! Iyon ay hindi enembento ng tao, iyon ay inembento ng Diyos!

Hindi pag-sangayon

3. Ang ikalawang prinsipyo ay: Sa labas ng kasal, ipinagbabawal ng Diyos ang pagtatalik. Exodo 20:14 “Huwag kang mangangalunya.” Mayroong iba’t-ibang kalagayan kung saan ang mga pagbabawal ng Diyos ay inilalapat. Tingnan natin ang ilan sa mga iyon.

4. Ang pagtatalik bago pa ikasal ay ipinagbabawal. Tama (T) o Mali (M)? Iyon ay maaaring maging sanhi ng: __ Pagkadama ng kasalanan bago ikasal. __ Hindi magandang karanasan sa pakikipagtalik matapos ang kasal. __ Paulit-ulit na paggawa ng kasalanan. __ Infection sa mga karamdamang dala ng pakikipagtalik, tulad ng AIDS.

5. Pakikipagtalik sa labas ng kasal – kung saan ang isa o dalawa ay kapwa kasal na — ito ay ipinagbabawal. Genesis 39:7-10 Tama (T) o Mali (M)?
__ Innayayahang minsan ni Mrs. Potiphar si Jose na makipagtalik sa kanya.
__ Siya ay nagtanong, “Paano kung tayo ay mahuli ng iyong asawa.?”
__ Wika niya, Paano ngang magagawa ko itong malaking kasamaan at kasalanan laban sa Diyos.

6. “Ang pangaabuso sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa mga paslit ay ipinagbabawal! Mateo 18:6 “Ngunit sinomang maglagay ng batong katitisuran sa isa sa maliliit na ito na sumasampalataya sa akin, ay mas mabuti pa sa kanya na bitinan ang kanyang leeg ng malaking batong gilingan, at siya’y malunod sa kalaliman ng dagat.” Ang pangaabuso sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa isang bata, maging ito man ay sa pamamagitan ng isang kamag-anak, kaibigan, o isang dayuhan ay lumilikha ng permanenteng pagkasira sa pangangatawan, sa emosyon, at sa espiritwalidad ng isang bata. At iyon ay nakakasakit sa puso ng Diyos!

7. Ang iba pang mga pagtatalik na ipinagbabawal ay ang:
__ Pagkakaroon ng kabit. Ang wika ng Diyos: Tapusin ang relasyon o magpakasal (Hebreo 13:4)
__ Pagiging patotot. wika ng Diyos: Irespeto mo ang iyong katawan bilang Aking templo (1 Corinto 6:15, 18)
__ Pagiging bakla o tomboy. Wika ng Diyos: Huwag mo iyong gawin (Roma 1:26-28)

Pagkakaroon ng Bonding

8. Ang ikatlong kaisipan natin ay: Ang pagtatalik ay nilikha, hindi lamang para sa pagkakaroon ng mga supling, kundi ganon din sapagkakaroon ng bonding ng kasal na mag-asawa. Genesis 2:24 “Sila ay magiging isang laman” Sa pamamagitan ng pagtatalik nagiging isang laman ang lalae at ang babae. Ang pisikal na pagiging isang laman ay kinakailangang maging simbolo ng pagiging isa a emosyon, sa kaisipan, at espirituwalidad.

9. Ang ika-apat na prinsipyo ay: Ang pagtatalik ng mag-asawa ay kinakailangang maging paglalarawan ng espirituwal na bonding namin ni Jesus. Sa Efeso 5:31, 32 ay sinasabi sa atin: Ang mag-asawa ay kinakailangang maging magkalakip sa pamamagitan ng pagtatalik. Ako at si Jesus ay kinakailangang magkaroon ng spituwal na paglalakip.

10. Ang pakikipaglakip kay Jesus ay may limang pangangailangan:
Lihim. Kung paanong ang pagtatalik ay kinakailangang maging lihim, ako ay nangangailangan ng lihim na dako sa pakikipagsalirinan sa Diyos (Mateo 6:6) Panahon. Ang pakikipagtalik ay gumugugol ng panahon. Ganon din naman kailangan ko ng mahalagang panahon araw araw para kay Jesus (Mga Awit 55:17; Marcos 1:35) Pagsasalita. Kung paanong ang ang pagtatalik ng magasawa ay nagiging masmainam sa pamamagitan ng paguusap kailangan kong makipag-usap kay Jesus sa pamamagitan ng panalangin. Pakikinig. Samantalang ang isa ay nagsasalita ay isa ay nakikinig. Kaya’t kung ako ay nakikipag-usap sa Diyos sa panalangin kinakailangang makinig din ako sa kanyang pagsasalita sa akin sa pamamagitan ng pagaaral ng Bibliya (Juan 5:39) Pagbubulay-bulay. Ang pananatili sa mga bisig ng isa’t isa ang tatak ng aming malapit na rlasyon. Kayat ako ay nananatili samatamis na pesensiya ng Diyos sa pamamagitan ng spirituwal na pagbubulay-bulay (Mga Awit 104:34)

11. Ang ika-limang kaisipan natin ay: Ang pagkakaroon ng malapit na ugnayan sa pagtatalik ay obligasyon kapwa ng lalaki at ng babae 1 Corinto 7:3-5 “Dapat ibigay ng lalaki sa asawa ang karapatan nito, gayundin naman ang babae sa kanyang asawa. Sapagkat ang babae ay walang karapatan sa kanyang katawan, kundi ang asawa, at gayun din ang lalaki ay walang karapatan sa kanyang sariling katawan, kundi ang asawa. Huwag pagkaitan ang isa’t isa, maliban kung pagkasunduan ng ilang panahon” Yan ay makapangyarihang mga pananalita! Ang aking katawan ay hindi ko sarili pagaari! Una ito ay pag-aari ng Diyos. Pangalawa ito ay pag-aari ng aking kabiyak! Kaya’t sa Masayang sambahayan ng Diyos, ang pagtatalik ay isang mahalagang usapin ng magasawa.

12. Sa ating pagtanda, ang mga magasawa ay nagkakaroon ng pagkakaiba sa kagustuhan at kakayanan sa pakikipagtalik. Paano dapat makitungo ang magasawa sa mga bagay na ito? Filipos 2:3, 4. “Huwag ninyong gawin ang anuman sa pagpapaligsahan o pagmamataas, kundi sa kababaan, ituring na ang iba ay higit na mabuti kaysa inyong sarili. Huwag tingnan ng bawat isa sa inyo ang kanyang sariling kapakanan, kundi ang kapakanan ng iba.

Spirituawal na obligasyon

13. Narito ang pinakahuli nating prinsipyo: Ang obligasyon sa isat isa ng magasawa ay isang talinhaga ng obligasyon namin ni Jesus sa isat isa. Sapagkat ako ay mahal na mahal ni Jesus ano ang kanyang obligasyon sa akin? Roma 5:8 “Subalit pinatutunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin, na noong tayo’y mga makasalanan pa, si Kristo ay namatay para sa atin.” Samantalang ako ay nakatayo sa paanan ng krus at minamasdan ang kanyang kahanga-hangang pag-ibig, ako ay nagsabi, “Masdan ninyo kung anong uri ng pag-ibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama!” (1 Juan 3:1)

14. Kung iniibig ko si Jesus ng lubos, ano ang aking obligasyon sa kanya? Juan 14:15 “Kung ako’y inyong minamahal ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.” Sapagka’t tunay ang ang aking pag-ibig kay Jesus, Kalooban kung sundin ang kanyang sampung utos na nagsaasbi:

- Huwag kang magkaroon ng ibang mga diyos sa harap ko.
- Huwag kang gagawa ng larawang inanyuan
- Huawg mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan
- Ingatang mong banal ang Sabbath na ika-pitong araw
- igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina
- Huwag kang papatay
- Huwag kang mangangalunya
- Huwag kang magnanakaw
- Huwag kang magsisinungaling
- Huwag kang mang-aangkin

15. Samantalang ang pagiging malapit sa isat isa ay nararanasan namin ni Jesus, kami ay naguusap tungkol sa aming pagmamahalan:
Jesus: “Minamahal kita ng walang hanggang pag-mamahal.”
Ako: “Mahal ko ang Panginoon.”
Jesus: “Kung ako’y iyong minamahal ay tutuparin mo ang aking mga utos.”
Ako: “Jesus mahal kita, ikaw ay akin.
Dahil sa yo ang sala’y itatakwil
Manunubos ko’t Tagapagligtas ka;
Jesus kung iibigin ka’y ngayon na.

Ang aking kapasyahan

__ Ako man ay may asawa o wala, pararangalan ko ang Diyos sa buhay ng aking pakikipag-relasyon.
__ Maglalaan ako ng panahon upang maranasan ang malalim na pakikipagtalik sa sa aking asawa.
__ Maglalaan ako ng panahon at lugar para sa araw-araw na pakikpagrelason kay Jesus.
__ Nagpasya akong isuko ang aking buhay sa kalooban at mga utos ng mapagmahal kong Tagapagligtas.

Ang aking pangalan _______________________________

Susunod Aralin 8
Sanggol na Lalaki! Sanggol na babae!

Isinalin sa Pilipino ni Jovenmarlo A. Imperio

No comments:

Post a Comment