Monday, March 8, 2010

Aralin2 – Matagumpay na Pag-uugnayan

Araw-araw ngayong linggong ito ay gabi na kung umuwi si Bernard, samantalang si Alice ay naghihintay upang magamit ang kotse upang siya ay makapag-shopping. Noong Huwebes, nang si Bernard ay dumating, ay galit na sumigaw si Alice, “Pinababayaan mo ako! Pababayaan din kita! Wala tayong hapunan ngayon!” Paano magiging matagumpay sa ugnayan ang mag-irog na ito? Narito ang tatlong susi. Ang bawat susi ay mayroong mga hakbang.

Maging mabiyaya sa pagsasalita

1. Ang unang susi ay: Maging mabiyaya sa pagsasalita. Colosas 4:6. “Ang inyong pananalita nawa’y laging may biyaya, na may timplang asin, upang inyong malaman kung paano ninyo dapat sagutin ang bawa’t isa.” Bagaman si Alice ay galit, kinakailangang magsalita siya ng may biyaya. Paano niya ito magagawa?

2. Una, dapat ay malaman ni Alice ang tunay na suliranin. “Bernard, namomoroblema ako sa paggamit ng kotse” Pangalawa, kinakailangang sabihin niya ang tunay niyang nadarama. Mateo 26:38. Inihayag ni Jesus ang tunay niyang nadarama nang kanyang sabihin, “Lubhang nalulungkot ang aking kaluluwa na halos ay ikamatay.” Ang ilang mga salita na maaaring magamit ni Alice ay, “Balisa, Galit, ____________” Pangatlo, Kinakailangang sabihin ni Alice ng malinaw kung ano ang gusto niya. Mateo 26:38 Si Jesus ay nagpatuloy, “Manatili kayo rito at makipagpuyat kayo sa akin.”

3. Huli sa lahat, Kinakailangang gumamit si Alice ng mga pahayag na “ako”. May dalawang paraan ng pagpapahayag ng ating nadarama at mga kagustuhan: “Ikaw” ang sinisisi sa aking nararamdaman. Ito ay nagaanyaya ng away! “Ako” Sinasabi ang sarili kong nadarama. Itinuturo ng daliri ang sarili. Ito ay lumulikha ng kapayapaan. Halimbawa: “Balisang-balisa ako sa paghihintay araw-araw. Kailangan ko ang kotse upang ako ay makapag-shopping. Maging aktibo sa pakikinig

4. Ang ikalawang susi ay: Maging aktibo sa pakikinig. Santiago 1:19, “Ang bawat tao ay dapat na maging mabilis sa pakikinig, marahan sa pagsasalita, mabagal sa pagkagalit” Kaya nga samantalang si Alice ay nagsasalita na may biyaya, ay hidi dapat sumabay si Bernard, hindi ipinagtatanggol ang sarili, sa halip ay aktibong nakikinig sa kanya. Paano niya ito magagawa?

5. Una, kinakailangang sikapin ni Bernard na madama ang nadaama ni Alice. Tama (T) o Mali (M)?
____ 7% lang ng mensahe ni Alice ang inihahatid ng kanyang mga salita!
____ 38% ang inihahatid ng tono ng kanyang tinig.
____ Ang inihahayag ng kanyang kilos ay 55% ng kanyang mensahe.
____ Ang aktibong pakikinig ay nagsisikap makuha ang 100% ng mensahe.

Lucas 5: 8-10 Lumuhod si Pedro sa paanan ni Jesus at nagsabi, “Lumayo ka sa akin.” Subalit hindi pinansin ni Jesus ang kanyang mga salita sahalip ay pinakinggan ang tunay niyang mensahe. At sinabi niya kay Pedro, ” Manatili ka sa piling ko. Sumunod ka sa akin.”

6. Pangalawa, kinakailangang ibalik ni Bernard ang nadadama ni Alice. Ang pagbabalik ay tulad sa isang salamin. Kinakailangang sabilhin ni Bernard kay Alice , kung ano ang sinabi ni Alice sa kanya. Ang pangatlo, sa pagbabalik ng pahayag tungkol sa kanyang damdamin, kinakailangang gumamit si Brnard ng “ikaw” na mga pahayag. Halimbawa, “Nasasaktan ikaw, dahil pinababayaan kong naghihintay ka sa sasakyan.” Sinasabi niya sa kanya na nauunawaan niya ang kanyang nadarama at kung ano ang gusto niya.

Subukan natin: Kumuha ka ng kapares. Ang isa ay magsasabi ng mga pahayag na “ako” at ang isa naman ay magsasabi ng mga “ikaw” na pahayag.

Magpalitan ng pagunawa sa isa’t-isa.

7. Ang ikatlong susi ay: Magpalitan ng pag-unawa sa isa’t isa. Kung paanong ang bawa’t pera ay may dalawang panig, ganon din ang bawa’t salaysay ay may dalawang panig. Ngayon ay nakita na ni Bernard ang panig ni Alice. panahon naman ngayon upang makita ni Alice ang panig ni Bernard. Filipos 2:4 “Huwag tingnan ng bawa’t isa sa inyo ang kanyang sariling kapakanan, kundi ang kapakanan ng iba.”

8. Si Bernard na ngayon ang tagapagsalita. Sa paggamit ng mga pahayag na “Ako”, kinakailangang sabihin niya ngayon kay Alice ang dahilan kung bakit siya ginagabi. “Alice, ang aming kompanya ay nagbabawas ng mga trabahador at marami ang tinatanggal sa trabaho. Ngayon linggong ito kapag ako ay malapit nang umuwi ay binibigyan ako ng aking supervisor ng bagong assignment na may nakasulat na “Urgent” Ginagabi ako dahil tinatapos ko ang mga iyon para huwag akong maalis sa trabaho.”

9. Si Alice naman ngayon ang tagapakinig at siya naman ang kinakailangang gumait ng mga pahayag na “Ikaw” upang maibalik ang nadarama ni Bernard, ano ang maaari niyang sabihin? “Kaya ka ________________________________________.” Subukan natin: Yong isa naman ang magsasabi ng mga pahayag na “ako” at yong isa naman ang mga pahayag na “Ikaw”. Ngayon ay talagang naguugnayan na sila. Nauunawaan ni Bernard ang nadarama ni Alice at nauunawaan ni Alice ang nadarama ni Bernard. Sapagkat alam na ng isat isa kung ano ang gusto ng isa’t isa, sila ay maaari nang gumawa ng sulusyon na kapwa sila nagwawagi. Yan ang ituturo sa atin sa Aralin 5.

Pakikipag-usap sa Diyos

10. Kung paanong ang masayang relasyon ng magasawa ay nangangailangan ng nagpapatuloy na ugnayan ng mag-asawa, ganon din naman ang isang masayang relasyon ko sa Diyos ay nangangailangan ng nagpapatuloy na ugnayan namin ng Diyos. At ganon din ang tatlong susi. Unang susi ay kausapin ang Diyos. Paano ko iyon magaawa? Mateo 6:6 “Kapag ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at pagkasara mo ng iyong pinto ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim”.

11. Ang panalangin ay pagbubukas ng puso sa Diyos tulad sa isang kaibiagan. Kung ang Diyos ay aking kaibigan, Paano ako dapat makipag-usap sa kanya? Awit 62:8 Tama (T) o Mali (M) ____ Kinakailangang sumulat ako ng panalangin at basahin ko iyon upang hindi ako magkamali. ____ Hilingin ko sa aking pari o pastor na gawin iyon para sa akin. ____ Makipag-usap sa Diyos, gamit ang sarili kong mga salita.

12. Gaano kadalas ako dapat manalangin sa aking Ama at Kaibigan? 1 Tesalonica 5:17 Ano mang oras; sa lahat ng panahon. Mga Awit 55:17 Sa mga natatanging pagkakataon: sa gabi, sa umaga, at sa tanghali. Marcos 1:35 Sa madaling araw ang pinakamagandang panahon.

Makinig sa Diyos

13. Ang pangalawang susi ay: Makinig sa Diyos. Paano nakikipag-usap sa akin ang Diyos? Juan 5:39 “Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat iniisip ninyo na sa mga iyon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at iyon ang nagpapatotoo tungkol sa akin”. Kapag ako ay nagbabasa ng Bibliya, ako ay nakikinig sa tinig ni Jesus na nakikipag-usap sa akin!

14. Paano ng Diyos iniugnay ang kanyang salita? Paano tayo nagkaroon ng Bibliya? 2Timoteo 3:16 “Ang lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” 2 Pedro 1:21 “Ang mga taong inudyukan ng Espiritu Santo ay nagsalita mula sa Diyos.” Ang anim-napu’t anim na mga aklat sa Bibliya ay isinulat sa loob ng 1500 taon sa pamamagitan ng nasa 40 na magkakaibang mga tao. Gayon pa man ang kanilang isinulat ay magkakatugma! Alam mo kung bakit? Sapagkat silang lahat ay pinatnubayan ng Banal na Espiritu.

15. Gaano kadalas ako dapat mag-aral ng Bibliya? Gawa 17:11. “Tinanggap nila ang salita ng buong pananabik na sinisiyasat araw-araw ang mga kasulatan kung tunay nga ang mga bagay na ito.”

Magbulay-bulay sa Diyos

16. Ang pangatlong susi ay: Magbulay-bulay sa Diyos. Mga Awit 104:34, “Maging kalugod-lugod nawa sa kanya ang aking pagbubulay-bulay.” Ang pagbubulay-bulay ay matahimik na iniisip ang mapagmahal kong Diyos.

17. Araw-araw, samantalang ako ay nakikipa-usap kay Jesus, nakikinig kay Jesus at nagbubulay-bulay tungkol kay Jesus, may kahanga-hangang bagay na nangyayari! Ako ay nagiging In-love kay Jesus! Tulad ni Maria noong linggo ng pagkabuhay, maaaring ako ay magtungo sa hardin na may luha at kalungkutan, subalit palagi akong aalis na may galak at kasiyahan! Kaya, “Ako ay mag-isang nagtutungo sa halamanan.”

Ang aking katugonan
____ Gagamitin ang tatlong susi sa matagumpay na pakikipag-ugnayan.
____ Gugugol ako ng panahon upang makasarilinan ang Diyos araw-araw sa isang spirituwal na pakikipag-ugnayan.
____ Gusto kong magsimula ngayona.

a. Tatlong bagay na ibig kong idalangin: _____________, ____________, ______________.
b. Ibahagi mo ang lista ng iyong idadalangin sa iyong kapartner ngayon [Sa palitan ng pagsasalita kanina]
c. Ngayon ay makipag-usap sa Diyos na ibinabahagi ang lista ng ibig mong idalangin [Magpalitan kayo sa pagdalangin. Medyo laksan ng kaunti ang panalangin upang marinig ng iyong kapartner at makapagsabi ng “Amen”. Unamuna yong isa ang magsasalita, tapos yong isa naman.

Tingnan kung tama ang iyong mga sagot: 5. T, T, T. 11. M, M, T Sunod: Aralin 3 Magkabagay sa pag-aasawa

No comments:

Post a Comment