Friday, March 5, 2010

Aralin 9 - Paano Maiiwasan ang Paghihiwalay ng Mag-asawa

Laganap ngayon ang paghihiwalay ng mag-asawa. Narito ang limang hakbang upang ito ay mapigilan.

Ang Ungang Apat na Hakbang

1. Unang hakbang para sa isang nagtatagal na pagsasama ng magasawa ay: Magkaroon ng commitment sa halip na experiment. Ganito ang sabi ng nag-eexperiment, "Susubukan ko ito; sana maging mabuti. Pero kung hindi, makikipag-break ako at magsisimula muli." At siempre, hindi yon magiging mabuti!
Ganito ang sinasabi ng gumagawa ng commitment, Gumagawa ako ng isang commitment na panghabang-buhay, at gagawin ko ang lahat ng kailangang gawin upang ito ay maging mabuti!" Kalimitan, iyon ay nagiging mabuti! Awit 57:7. "Ang aking puso ay tapat, O Diyos, ang aking puso ay tapat."

2. Pangalawa, Ipahayag ang aking pag-ibig. Paano ito ginawa ni Solomon at ng kaniyang asawa?
Awit ng mga Awit 4:1. Asawang lalaki: "O napakaganda mo, mahal ko."
Awit ng mga Awit 5:16. Asawang babae: "Ang kanyang pananalita ay pinakamatamis; at siya'y totoong kanais-nais."
Ang sarili kong pananalita ng pag-ibig sa aking asawa ay: ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Kailangan nating ipahayag ang ating pag-ibig sa isat isa. Ang mahahalagang mga salitang, "Mahal kita" ay kinakailangang mabanggit ng madalis. At mayroong mga pahayag ng pagmamahal sa pamagitan ng isang halik, isang card, iang ragalo hindi lang kung may birthday o anniversary kundi kahit anong araw ng taon.

3. Ang ikatlo ay: Palaging mag-ugnayan. Natatandaan mo pa ba ang tatlong susi?
- maging mabiyaya ang pagsasalita (Colosas 4:6)
- maging aktibo sa pakikinig (Santiago 1:19)
- magbigayan sa isat isa (Filipos 2:4)

Ang pagdaloy ng ugnayan sa pamilya ay tulad ng pagdaloy ng dugo sa katawan.

4. Ang ika-apat ng hakbang ay napakahalaga. Unahin ang pangangalingan ng aking asawa kaysa sarili kong pangangailangan.
Roma 15:1-3. "Kaya't tayong malalakas ay nararapat magtiis sa kahinaan ng mahihina, at hindi upang magbigay lugod sa ating mga sarili. Bawat isa sa atin ay magbigay-lugod sa kanyang kapwa para sa kanyang kabutihan....Sapagkat si Kristo man ay hindi nagbigay-lugod sa kanyang sarili."

- Ang ugat ng bawat suliranin ng mag-asawa ay "una muna ang sarili".
- Ang susi sa paglutas ay "Asawa muna".

Magkasama hanggang sa walang hanggan!

5. Ang pinakamakapangyarihang hakbang ay: Dumalangin kasama ng asawa at para sa asawa araw-araw.
Mateo 18:19. "Sinasabi ko rin naman sa inyo, na kapag nagkasundo ang dalawa sa inyo sa lupa tungkol sa anumang bagay na kanilang hinihiling ay gagawin para sa kanila ng aking Ama na nasa sa langit."
Si Satanas ay patuloy na nagsisikap manira sa aming mag-asawa, at siya ay mas-malakas sa amin! Subalit kung si Kristo ay nasa aming panig, kami ay magwawagi! Kaya araw-araw ay kailangan naming manalangin.

6. Sa halamanan ng Eden kung saan ang unang mag-irog ay pinagsama, isa pang pagsasama ang binigyang-daan!
Sa Genesis 1:27, 28; 2:3 ay sinasabi sa atin:
- Noong ika-anim na araw, si Adan at si Eva ay pinisan upang magsama hanggang sa walang hanggan.
- Noong ika-pitong araw, Si Kristo at ang Kaniyang Sabbath ay pinisan upang magsama hanggang sa walang hanggan.
Minsan ay sinasabi na si Kristo at ang Sabbath ay pinisan sa Lumang Tipan at pinag-hiwalay sa Bagong Tipan! Maaari bang maging tumpak ang pahayag na iyon? Tingnan natin ang tatlong lugar kung saan ay pinaniniwalaang naganap ang paghihiwalay.

Noong si Kristo ay Ipako sa Krus

7. Noong si Kristo ay ipako sa krus, ang Sabbath ba ay ipinako rin sa krus na kasama niya?
Colosas 2:14-17 "Na pinawi ang sulat-kamay na laban sa atin na nasa mga tuntuning salungat sa atin, at ito'y kanyang inalis at ipinako sa krus... Kaya't ang sinuman ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain at inumin, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o mga araw ng Sabbath, na ang mga ito ay isang anino ng mga bagay na darating, ngunit ang katawan ay kay kristo.
Ang anino. Bago isinilang si Kristo sa Bethlehem, ang kanyang anino ay ang santuwaryo at ang mga paglilingkod dito. Araw-araw, ang nagsisising makasalanan ay nagdadala ng tupa sa santuwaryo at iyon ay pinapatay bilang sakripisyo para sa kanyang kasalanan.
Ang mga kapistahan. Sa sistema ng mga sakripisyo, ang kalendaryo ng mga Hudyo ay may pitong mga kapistahan taon-taon tulad ng Pascua, Pentecostes, at Araw ng pagtubos. Ang mga kapistahang ito ay tinatawag na "mga sabbath" (Levitico 23:27, 32). Ang bawat isa sa mga iyon ay ginaganap minsan sa isang taon, tulad ng kuaresma at pasko. Ang mga kapistahangg ito ang ipinako sa krus. Nang si Jesus ay sumigaw, "Natapos na!," ang "tabing ng templo ay napunit sa dalawa"! (Mateo 27:51)
Walang paghihiwalay! Kaya't ang mga sabbath na ceremonyal ay ipinako sa krus, subalit ang Sabbath tuwing ika-pitong araw ay nagpapatuloy. Sa paghihiwalay na naganap sa kalbaryo! Ang Sabbath at si Kristo ay magkapisan pa rin!

Noong si Kristo ay bumangon mula sa libingan

8. Binago ba ni Krisot ang Sabbath noong siya ay bumangon mula sa libingan?
Juan 20:19. Nang magdadapit-hapon na ng araw na iyon, na unang araw ng linggo, habang nakasara ang mga pinto sa kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot sa mga Hudyo dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, 'Kapayapaan ang sumainyo'"
Ang ating Tagapagligtas ay walang sinasabi dito tungkol sa paghiwalay Niya sa kanyang Sabbath. Sila ay magkapisan pa rin!

9. Pagkatapos ng pagbangon ni Kristo mula sa libingan, ay mayroong dalawang pagkakataon kung saan binanggit ang "unang araw."
1 Corinto 16:1, 2 "Ngayon, tungkol sa ambagan para sa mga banal, ay gawin din ninyo gaya ng aking itinagubilin sa mga iglesya sa Galacia. Tuwing unang araw ng sanlinggo, ang bawat isa sa inyo ay magbukod at maglaan ayon sa kanyang makakaya, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan pagdating ko."
Dito ay walang pagpupulong, at walang binabanggit na kabanalan ng Linggo.

10. Ang isa pang pagbanggit sa "Unang Araw" ay sa Gawa 20:7 sa tagpong ito:
- Si Pablo ay namamaalam at noon ay Sabado ng gabi (Genesis 1:5)
- Sila ya nagputol-putol ng tinapay, isang bagay na ginagawa ng iglesya anumang oras, at saan mang dako (Gawa 2:46)
- Si Eutico ay nakatulog sa bahay dalanginan, nahulog siya at namatay. Subalit siya ay binuhay muli!
Walang paghihiwalay! Kaya't sa pagbangon ni Kristo mula sa libingan, at sa buong panahon ng Bagong Tipan ay walang paghihiwalay. Ang Tagapagligtas at ang Sabbath ay nananatiling magkapisan!

11. Dahil ang pagiging banal ng araw ng Linggo ay hindi masusumpungan sa Biblia, saan iyon nagmula?
Sa loob ng tatlong daang taon mula sa pagkamatay ni Jesus ay inusig ng Roma ang mga Kristiyano. At dumating si Emperador Constantine na nagpalit ng stratehiya sa pamamagitan ng pagpahintulot sa mga Kristiyano na sumamba kay Kristo, na Anak ng Diyos, sa banal na araw ng pagsamba ng Roma sa araw. Ang kanyang batas tungkol sa Linggo ay nilagdaan noong Marso 7, 321. Makalipas ang isang daan at limampung taon, ang emperio ng Roma ay nabuwag. Ang iglesya ang naging makapangyarihan noon sa Europa, at pinagtibay ang pangigilin sa araw ng Linggo.

Iniligtas sa pamamagitan ng biyaya

12. Kung ako ay iniligtas sa pamamagitan ng biyaya ni Jesus, ako ba ay nagiging masunurin sa kautusan ni Jesus?
Roma 3:31. Si Pablo ay nagtatanong: "Pinawawalang-saysay ba natin ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya?"
Ang sagot niya ay: "Huwag nawang mangyari! Kundi pinatitibay pa nga natin ang kautusan."
Ang nag-oover speeding na si Harry ay pinara ng pulis at siya ay pinatawad. Iyon ba ay nangangahulugan ng pagbibigay sa kanya ng pahintulot upang mag overspeeding ulit? Siempre hindi! Ganon din naman kung ako ay iniliigtas sa pamamagitan ng biyaya ni Jesus, kinakailangang ingatan ko ang utos ni Jesus!

13. Kung ako ay inililigtas sa pamamagitan ng biyaya, sa halip na paghihiwalay, nagkakaroon ng muling pagtataga.
Ang Hebreo 8:10 ay isang matinding talata! Sa ilalim ng bagong tipan, ang pahayag ng Diyos ay, "Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip, at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga puso."
Isang kahanga-hangang kaisipan! Ang kamay ni Jesus na binutasan ng pako, dinaluyan ng sarili niyang dugo, ang magsusulat sa aking pag-iisip at gagawin akong masunurin sa Kanyang mga utos! kayat ang Sabbath at ang Tagapagligtas ay magkapisan na nabubuhay sa akin magpakailanman!

14. At sa buong panahon ng walang-hanggan, Ang Tagapagligtas at ang Sabbath ay mananatiling magkapisan!
Isaias 66:22, 23. "At mula sa bagong buwan hanggang sa isa pang bagong buwan, at mula sa isang Sabbath hanggang sa isa pang Sabbath, paroroon ang lahat ng laman upang sumamba sa harapan ko." Yan ang masayang sambahayan ng Diyos sa walang hanggan!

Ang aking kapasyahan

__ kung kasal na, sasariwain ko ang aking pagtatalaga sa aking asawa na kami ay palaging magsasama.
__ Ipinapangako kong maging tapat sa aking Tagapagligas, at iingatan kong banal ang Kanyang Sabbath magpakailanpaman.


Ang aking pangalan __________________________________________________


Sunod: Aralin 10 - Paano ang Paghawak ng Aking Pera.

Isinalin sa Pilipino ni Jovenmarlo A. Imperio

No comments:

Post a Comment