Monday, March 8, 2010

Aralin 6 - Paano Maging Malaya sa Stress

Ano ang stress? Ito ang pisikal, mental, at emotional na tugon ng katawan sa isang pangangailangan na kung tawagin ay stressor.

Mga gawaing nakakapagpagaling

1. Ang unang lunas para sa stress ay: Therapy ng buong katawan.
1 Corinto 9:25, 27. "Ang bawat tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay... Ngunit dinidisiplina ko ang aking katawan at aking sinusupil."
Bago ako uminom ng gamot ay kinakailangan munang pangalagaan ko ang aking buong katawan. Tama (T) o Mali (M)?
__ Ang sapat na pagtulog ay nagpapalakas ng kakayanan upang matugunan ang stress.
__ Ang balanseng pagkain ay nagpapahusay ng nutrisyon at kakayanan laban sa stress.
__ Ang caffeine ay dahilan ng pagka-irita, at nakakasira ng aking pagtulog.
__ Ang alcohol ay nakakapagpahina ng resistensiiya laban sa stress.
__ Ang ehersisyo ay nakakapagparelax kapwa ng pag-iisip at ng katawan.

2. Ang ikalawang paraan ng pangangasiwa sa stress ay sa pamamagitan ng mga ehersiyo na may kinalaman sa pagrerelax. Ezekiel 37:4, 5."Manghula ka sa mga butong ito, at sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon. Narito aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay.
Tayo po ay magsanay: Huminga ng malalim ngayon! Kailangan din dito ang pagpaparelax sa mga muscle.

3. Ikatlong susi: Ang teknik ng pagpapalit. Ang mga nakakabigat ay palitan ng mga nakakasiya. Roma 12:21 "Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama."

1 Samuel 16:23. Paano ginamit ni Haring Saul ang teknik ng pagpapalit? Kanyang ____________________________.

Pagsasalita ng positivo

4. Ang ika-apat ay pagsasalita sa sarili ng mga positivo. Bakit mahalaga ang kaisipang ito?
[Roma 12:21.] "For as he thinks in his heart, so is he."
Kapag may nagbigay sa akin ngnegatibong mensahe,ako ay maaaring magpasya kung gagawin ko iyong panginoon ko o stressor, o gagawin kong aking alipin.
Negatibong mensahe + negatibong pakikipag-usap sa sarili = stress.
Negatibong mensahe + positibong pakikipag-usap sa sarili = Positibong pakiramdam = walang stress
Kawikaan 17:22. "Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: ngunit ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto."

5. Ang ika-limang teknik ay ang pakikipag-usap sa mga tao. Pag-usapan ang tungkol sa iyong stress. Makipag-usap sa taong nakaka-stress kung maaari. Makipag-usap din sa mga taong sumusuporta.
- Si David ay nakipag-usap kay Saul, ang taong nagbibigay sa kanya ng stress.
- Siya ay nakipag-usap din kay Jonathan, ang kanyang tagasuporta. (1 Samuel 20:3, 4)

Spirituwal na pagbubulay-bulay

6. Ang ika-anim na teknil upang ma-control ang stress ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Iyon ay ang spirituwal na pagbubulay-bulay.
Awit 46:10. "Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Diyos."
Ginamit ni Jesus and paraang ito araw-araw!
Marcos 1:35. "Atnagbangon siya ng madaling araw, na malalim pa ang gabi, at lumabas, at napasa isang dakong ilang,at doo'y nanalangin."

7. Hindi lang pang araw-araw na pagbubulay-bulay, kailangan din natin ng linguhang pagbubulay-bulay.
Genesis 2:3. "At binasbasan ng Diyos ang ika-pitong araw at kanyang ipinangilin, sapagka't siyang ipinagpahinga ng Diyos sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa."
Sa magandang halamanan ng Eden, ang Sabbath ay ipinagkaloob sa unang mag-irog. Ngayon, iyon ay isa sa pinaka-makapangyarihang panlunas ng Diyos para sa stress.

8.Ang araw bang ito ay nilikha lamang para sa mga Hudyo o para sabuong sangkatauhan?
Marcos 2:27. Tama (T) o Mali (M)?
__ Si Adam ay hindi isang Hudyo. Kaya't ang Sabbath ay hindi lang para sa mga Hudyo!
__ Para sa taong maputi o taong maitim, mayaman o mahirap, iyon ay nilikha para sa tao!
__ Tulad sa pag-aasawa, iyon ay ipinagkaloob kay Adan at kay Eva para sa buong sangkatauhan.

9. Ang Sabbath ay isang masayang pagdiriwang para sa buong sambahayan ng Diyos.
Sa Genesis 1:27, 31 at Genesis 2:2 ay sinasabi sa atin na:
__ Ang pag-iisang dibdib ay naganap nang Biyernes at ang sunod na araw ay Sabbath.
__ Kaya't y'ong Biyernes ng gabi ang unang gabi ng honeymoon ni Adan at ni Eva!
__ Ang Sabbath ang unang buong araw naginugol ng mag-asawa na magkasama!
__ Kaya't ang Sabbath ay isang natatanging araw para sa masayang sambahayan ng Diyos.

Oo,ang Sabbath ay natatangi!

10. Paano ko nalalaman ang natatanging araw ng kapayapaan ng Diyos?
Lucas 23:53-56; Lucas 24:1. Tingnan natin ang mga araw ng seman santa at ppunuan ang mga patlang.

Araw ng Tinatawag nating Tawag sa Biblia
Pagpako sa Krus Biyernes Santo Ika-anim na araw
Si Kristo sa libingan Sabado de Gloria Sabbath
Pagkabuhay ni Kristo Linggo ng Pagkabuhay Unang araw ng sanlinggo

11. Sapagkat ito ay natatanging araw ng Diyos, maaari ba akong makapili ng iba pang araw?
Mga Bilang 23:20. "Kanyang pinagpala, at hindi ko na mababago."
Wala akong akong kapangyarihan upang magpala. Wala akong kapangyarihang pumili. Hindi ko na mababago.
Ang Sabbath ay natatangi! Dalawampung porsiento ng mga naitalang himala ni Kristo ay naganap sa araw ng Sabbath upang tulungan ang naghihirap at bawasan ang stress!

Kalayaan mula sa stress

12. Kaya, paano nagiging panlunas ng Diyos ang Sabbath para sa stress sa kasalukuyan?
Ang Isaias 58:13, 4 ay may sagot!
__ Sa loob ng buong araw minsan sa isang linggo ay inilalagay ko sa isang tabi ang lahat ng mga alalahanin sa buhay-- hanap buhay,paaralan, negosyo
__ Ang aking pag-iisip ay nagkakaroon ng holiday tuwing Sabbath--nararanasan ang kalayaan mula sa stress.
__ Pagkatapos ng spirituwal na pagpapanibagong sigla, ako ay handa na muling humarap sa mga hamon ng isang bagong sanlinggo.

Ang pagsamba sa araw ng Sabbath ay naghahatid ng panloob na kapayapaan!

Awit119:165 "Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At sila'y walang kadahilanang ikatitisod."
Isaias 26:3, "Iyong iingatan siyasa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iiyo: sapagkat siya'y tumitiwala sa iyo."

13. Sa unang sermon ni Jesus nanapatala, ay tinalakayni Jesus ang tungkol sa pagbawas ng stress!
Lucas 4:16-21. Tama (T) o Mali (M)?
__ Ugali o nakasanayan ni Jesus ang ipangilin ang araw ng Sabbath.
__ Ang tema ng kanyang sermon ay: pagpapagaling, kalayaan, at kapayapaan sa Diyos.
__ Nag-alok siyang pupunuan ang mga pangangailangang iyon kung babalik saaraw ng Linggo.

Kapag ibinigay ko ang aking buhay kay Kristo, Siya ay nagbibigay sa akin ng panloob na kapayapaan,!
Roma 5:1, "Yaman nga na mga ina-aring ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Diyos."

14. Di na magtatagal, si Jesus ay muling darating! Muli siyang gagawa ng isang planeta na walang stress, isang planeta na may kapayapaang pangwalang hanggan!
Sa Isaias 35:1-5; Isaias 11:6 ay sinasabi sa atin:
__ Ang tuyong lupa ay sasaya at mamumulaklak na gaya ng rosa!
__ Ang bulag ay makakakita, ang bingi ay makakarinig, at ang pipi ay aawit!
__ Ang oso at ang tupa ay magsasamang mapayapa.
__ Ang lahat ng stress ay mawawala! Magiging kapayapaan hanggang sa walang hanggan.

Oo nga!

__ Kokontrolin ko ang stress at hindi ko ipapahintulot naang stress ang magcontrol sa akin
__ Ibig kong maranasan ang kapayapaan ni inihahatid ng Sabbath
__ Panukala ko ang mamuhay na kasama ng Diyos sa planetang walang stress magpakailanpaman.

Ang aking pangalan _____________________________


Tingnan kung tama ang iyong mga sagot T,T,T,T,T 8. T,T,T
10. Paghahanda, Sabbath, Unang Araw

13. T,T,M


Sunod:Aralin 7 - Ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa sex.

No comments:

Post a Comment