Monday, March 8, 2010

Aralin 5- Paglutas sa mga Sigalot

Ang mga sigalot ay hindi naiiwasan. Ang tanong ay hindi kung mayroong sigalot o wala kundi ano ang dapat gawin sa mga iyon. Balikan natin ang sigalot ni Alice at ni Bernard sa Aralin 2 — si Alice tungkol sa kotse at si Bernard tungkol sa kanyang Boss. Pag-aralan natin ang anim na hakbang upang kanilang malutas ang sigalot.

1. Unang hakbang: Agad harapin ang suliranin sa pinakamadaling panahon. Efeso 4:26. “Huwag hayaang lubugan ng araw ang inyong galit.” Pinababayaan ng ibang mag-irog ang sigalot samantalang umaasa na iyon ay mawawala. Subalit ang mga sigalot ay tulad sa mga anay. Samantalang pinababayaan mo ay lalong dumadami ang mga iyon. Sa halip na naghintay hanggang Huwebes, dapat ay pinag-usapan ni Alice at ni Bernard ang problema Lunes pa lang.

2. Ang ikalawa nating hakbang ay: Makipag-ugnay upang makita ang kabilang panig.
Balik-aralan natin ang tatlong sekreto sa matagumpay na pakikipag-ugnayan. Tama (T) o Mali (M)
• Kinakailangang sabihin ni Alice ang gusto niya subalit dapat niyang itago ang tunay niyang nadarama.
• Si Alice ay kinakailangang magsalita gamit ang “Ako” na mga pahayag.
• Hindi ni Bernard dapat ipagtanggol ang kanyang sarili, sa halip ay sikapin niyang madama ang nadadama ni Alice.
• Dapat siyang gumamit ng mga “Ikaw” na pahayag.
• At saka sila magpapalitan ng paggamit ng “Ako” ang “Ikaw” na mga pahayag.

Pagpaparaya

3. Ang pangatlong hakbang ay napakahalaga: Pahalagahan ang pangangailangan ng aking kabiyak ng higit sa sarili kong pangangailangan. Roma 5:1, 2. “Kaya’t tayong malalakas ay nararapat magtiis sa kahinaan ng mahihina, at hindi upang magbigay-lugod sa ating mga sarili. Bawat isa sa atin ay mag-bigay-lugod sa kanyang kapwa para sa kanyang kabutihan, tungo sa ikatitibay niya.” Tandaan na ang ugat ng bawat sigalot ng mag-asawa ay yaong “Ako muna” (Santiago 4:1, 2) at ang lunas ay “si kabiyak muna” (Roma 15:1, 2).

4. At sino ang pinaka mahusay na halimbawa ng pag-ibig na ito na mapag-sakripisyo ng sarili? Roma 15:3. “Sapagka’t si Kristo man ay hindi nagbigay lugod sa kanyang sarili.” Ikinagalak ba ni Jesus ang pagtungo sa kalbaryo? Siempre hindi! Subalit tayo na minamahal niya ay nangangailangan ng kanyang kamatayan. Kung kaya sa kanyang pag-ibig na hindi makasarili, siya ay nagtungo sa kalbaryo. Siya ang ating halimbawa.

5. Ang ikaapat na hakbang ay nagsasabi: Gumawa ng hakbang ng pagkilos upang parehong magwagi. Tama (T) o Mali (M)? Ang kahulugan ng parehong magwagi ay:
___ Ako ay nagwagi samantalang talunan ang aking kabiyak.
___ Parehong natalo ng kaunti at parehong nakinabang ng malaki.
___ Tinugunan ko ang iyong pangangailangan at tinugunan mo ang aking pangangailangan.

Magmungkahi ng solusyon upang maging parehong panalo si Alice at si Bernard ngayon.

Pagpapagaling

6. Ano ang ika-limang hakbang? Santiago 5:16. “Ipahayag ninyo sa isat isa ang inyong mga kasalanan.” Ang madaling maitanong ay : “Saan nagkamali ang aking kabiyak? Subalit ang mahalagang tanong ay: “Saan ako nagkamali?” Ang anim na pilak na mga pananalita. “Ako ay nagkamali. Pataawrin mo ako” ay kinakailangang maipahayag ng dalawang panig sa isat isa.

7. Ang huli ay magkasamang magdalanginan sa isa’t isa. Ipinagpatuloy sa Santiago 5:16, “at ipanalangin ninyo ang isa’t isa upang kayo ay gumaling. Ang panalangin ay naghahatid na pagpapagaling sa pisikal, emosyonal, sa kasal at sa spirituwal.

8. May isa pang uri ng sigalot ang kinakailangang malutas. Isaias 59:2. Ang dalawang panig ay ang Diyos at ako — pinaghiwalay ng kasalanan. Sa Roma 5:10 ay inihahayag na “tayo’y mga kaaway.” Sa Eden, Ang Diyos at ang mag-asawa ay magkasundo. Subalit ang kasalanan ay naghatid ng sigalot sa pag-itan ng mag-asawa at ganon din sa pag-itan ng mag-asawa at ng Diyos. Kaya’t ang bawa’t tao ay isinisilang na makasalanan. Hiwalay sa Diyos. Kailangan natin ang anim na hakbang upang makapanumbalik sa Diyos! Ang mabuting balita ay ginawa na ng Diyos ang unang limang hakbang, isa na lang ang kailangan nating gawin! Kinakailangang gawin mo at gawin ko ang hakbang na iyon ngayon.


Pagkakasundong muli.

9. Ang unang hakbang para sa spirituwal nating pakikipagkasundo muli ay: Ang Diyos ay naging tao. Juan 1:1. Si Kristo, ang tinatawag na Verbo, ay Diyos, siya ay naging tao. Siya ay “Naging laman” at nanirahang kasama natin. O anong misteryo na hindi matarok ng isip! Ang Diyos na makapangyarihan sa lahat ay naging isang mahinang sanggol sa Betlehem! O anong pag-ibig!

10. Ang pangalawang hakbang ay mahalaga: Si Kristo ay namatay sa kalbaryo para sa akin. Isaias 53:5. ”Siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway… sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay gumaling tayo.” Dapat sana ay ako ang namatay hanggang sa walang hanggan dahil sa aking mga kasalanan. Subalit dahil sa kanyang pag-ibig, si Jesus ay namatay para sa akin! At kapag tinanggap ko siya bilang aking Tagapagligtas, pinatatawad niya ang aking mga kasalanan, at ibinabalik ako sa pakikipagkasundo sa Diyos at pinapaapaw sa aking kaluluwa ang kapayapaan. (Roma 5:1). Hindi ba yan ang gusto ko?

11. Subalit matapos maibigay ko ang aking buhay kay Kristo ako ay nakakagawa ng mga pagkakamali na bumubulabog sa aking kapayapaan. Ano ang ginagawa ni Jesus ngayon upang matiyak ang aking nagpapatuloy na pakikipagkasundo? Hebreo 4:14, 16. Tama (T) o Mali (M)?
___ Hindi ko kailangan ang saserdote sa lupa. Si Kristo ang aking makalangit na Punong Saserdote!
___ Maaari akong makipagugnayan sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus nasiyang natatangi kong Tagapamagitan!
___ Si Kristo ay patuloy na nagkakaloob sa akin ng biyaya at habag, kapatawaran at kapayapaan.
Pagsasamang muli

12. Isang araw hindi na magtatagal ay isasagawa ni Jesus ang ika-apat na hakbang: Siya ay muling babalik! 1 Tesalonica 4:16. “Sapagka’t ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may sigaw, may tinig ng arkanghel, at may trumpeta ng Diyos.” Tutuparin niya ang kanyang pangako (Juan 14:1-3). At kapag siya ay dumating, ay makikita natin Siya! Maririnig natin Siya! At tayo ay mahahaplos ng kaniyang kapangyarihan at kaluwalhatian!

13. Kahangahangang mga bagay ang magaganap sa pagbabalik ni Kristo!

Ang mga tao ni Kristo na namatay ay bubuhaying muli (1 Tesalonica 4:16)
Ang mga tao ni Kristo na aabutang buhay ay ipapanhik sa langit (1 Tesalonica 4:17).
Ang mga tao ni Kristo ay gugugol ng isang libong taon sa langit. (Apocalipsis 20:4).
Ang mga tao ni Satanas na aabutang buhay ay mamamatay (2 Tesalonica 1:7-9).
Ang mga tao ni Satanas na patay ay mananatili sa kamatayan (Apocalipsis 20:5).
Si Satanas ay “Maitatanikala” sa loob ng isang libong taon (Apocalipsis 20:1-3)
14. Ika-limang hakbang: Pupuksain ng Diyos si Satanas at ang kasalanan at lilikha ng isang paraiso ng kapayapaan!
- Sa dulo ng isang libong taon, Ang bayan ng Diyos at ang ciudad ay magsisimulang bumaba (Apocalipsis 21:2)
- Bubuhaying muli ang mga sakop ni Satanas (Apocalipsis 20:5)
- Ipagbabaka ni Satanas ang huling digmaan sa lupa! (Apocalipsis 20:7-9)
- Si Satanas,ang kasalanan, at ang mga makasalanan ay pupuksain (Apocalipsis 20:10, 15)
- Ang Diyos ay lilikha ng bagong langit at bagong lupa. (Apocalipsis 21:1)

15. Kayat ang limang hakbang ay isinagawa na ng Diyos. Isang hakbangna lang ang kailangan mo at kailangan kong isagawa. Anong hakbang iyon?
Roma 12:1 "Kaya nga, mga kapatid,isinasamo ko sa inyo, alang-alang sa mga kahabagan ng Diyos, na inyong ialay ang inyong mga katawan na isang handog na abuhay, banal, na kasiya-siya sa Diyos, na siya ninyong makatuwirang paglilingkod."
__ Sapagkat ibinigay ni Jesus and kaniyang buhay para sa akin, kailangang ibigay ko ang aking buhay sa kanya.
__ Sa aking pagsuko sa aking Tagapagligtas,ako ay binibigyan niya ng kapatawaran, kapangyarihan at kapayapaan.
__ Kasundonangmuli ng Diyos! Magkapisan hanggang sa walang-hanggan!

Ang aking commitment

__ isasagawa ko ang aanim na hakbang sa paglutas ng suliranin ng magasawa.
__ Isinagawa ni Jesus ang limang hakbang sa paglutas ng suliraning sppirituwal. Ako ya handa na ngayon upang isagawa ang ika-anim.
__ Sapagkat ibinigay niya ang kanyang buhay saakin, ibinibigay ko ang aking buhay sa kanya ngayon!

Ang aking pangalan___________________________________________


Tingnan kung tama ang iyong mga sagot: 2. M,T,M,T,T 5. M,T,T 11. T,T,T



Sunod: Aralin 6
Paano Maging Malaya sa Stress


Isinalin sa Pilipino ni Jovenmarlo A. Imperio

No comments:

Post a Comment