Tuesday, March 2, 2010

Aralin 15 - Pagsasamang muli ng sambahayan

Ang balita ay kumalatsa buong Bethany: si Lazaro, ang kaibigan ni Jesus, ay namatay! Kaaway natin ang kamatayan! Ang kamatayaan ay nakapaghihiwalay! Subalit balang araw di na magtataal, ang kamatayan ay pupuksain! Magkakaroon ng walang-hanggang pagsasamang muli ang masayang pamilya ng Diyos!

Kamatayan

1. Anong ang nangyayari pag namatay? Upang maunawaan natin ang kamatayan ay kinakailangang alamin natin ang buhay. Paano nilalang ang tao?
Genesis 2:7 Tama(T) o Mali (M)?
__ Sinabi ng Diyos, "Magkaroon ng tao," at nagkaroon ng tao!
__ Humugis siya ng katawan mula sa alabok, at pagkatapos ay nilagyan Niya iyon ng hininga ng buhay.
__ Kaya't, ang katawan mula sa alabok + hininga ng buhay = taong may buhay.

2. Pagnamatay, ang kabaliktaran ang nangyayari.
Mga Awit 146:4 aat Ecclesiastes 12:7. Tama (T) o Mali (M)?
__ Ang katawan ay bumabalik sa lupa at ang hiningaay bumaalik sa Diyos.
__ Ang multo ay lumilibot sa ibabaw ng planetang ito.
__ Ang kaluluwa aypatuloy na nananatiling buhay sa impiyerno o sa purgatoryo o sa langit.
__ Ang kakayanan upang mag-isip ay kaagad nawawala.

3. Kaya't ang patay ay patay! Walang silang nalalaman!
Ecclesiastes 9:5. "Sapagkat nalalaman ng mga buhay na sila'y mamamatay, ngunit hindi nalalaman ng patay ang anumang bagay."

Ang daigdig ng mga espiritu

4. Subalit mayroong mga tao na nakakita ng mga espiritu na kamukha ng namatay na kaanib ng kanilang pamilya. Ano angtalagang nakita nila?
Apocalipsis 16:14. "Sila'y mga espiritu ng mga demonyo na gumagawa ng mga tanda"
Ang daigdig ng mga espiritu ay tunay! Si Satanas at ang kanyang mga anghel na hindi nakikita ay patuloy na gumagawa!

5. Saan nakuha ng demonyo ang ganong kapangyarihan?
Sa Isaias 14:12 - 14 at Apocalipsis 12:7 - 9 ay sinasabi sa atin:
- si Satanas ay dating naninirahan sa langit. Ang kanyang pangalan ay Lucifer.
- Ninasa niya ang kapamahalaan ng Diyos.
- Nang si Lucifer ay naghimagsik, ay nagkaroon ng digmaan sa langit!
- Nadaig ni Kristo at ng Kanyang mga anghel si Satanas at ang kanyang mga anghel.
- Ang demonyo ay inihagis sa lupa kasama ang kanyang masamang hukbo.
Taglay pa rin ni Satanas at ng kaniyang mga anghel ang kanilang kapangyarihan! Taglay ang kaalaman nila tungkol sa nakalipas at di pangkariniwang kakayanan; ay nagagawa nilang magpanggap na lola--na ang damit, paglakad, at pananalita ay katulad niya! Nasasabi nila ang nakaraan at nahuhulaan nila ang hinaharap!

6. Laganap ngayon ang espiritismo! Anong ang pananaw dito ng Diyos?
Deuteronomio 18:10-12. Tama (T) o Mali (M)?
__ Pinababayaan lang Niya na tayo ay nakikibahagi sa ganong mga tagpo.
__ Ipinag-utos niya sa Israel na ipagbawal sa batas ang lahat ng mga medium ng espiritu.
__ Ang espiritismo ay tinatawag niyang "abominasyon".
Samantalang sinasabi ng mga tayo na "Punta ka," ang sinasabi ng Diyos ay "Huwag kang pumunta! Huwag kang makiharap sa demonyo."

7. Noong ako ay naging kaanib ng pamilya ng Diyos, wala na akong dapat ikatakot! Kung mayroong magsasagawa ng mga gawain ni Satanas laban sa akin, mayroong nagiingat sa akin!
Mga Awit 91:1, 2, 10. "Siyang naninirahan sa tirahan ng Kataas-taasan, ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan, sasabihin ko sa Panginoon, Aking muog at aking kanlungan, aking Diyos na siya kong pinagtitiwalaan.' Walang kasamaang darating sa iyo, walang parusang lalapit sa tolda mo."
Subalit kung ako ay hindi nagpapasakop kay Kristo, ako ay walang protekyosn! Kawawa ako!

Pagsasamang muli ng sambahayan

8. Sa wakas, dumating si Jesus sa Betania. Pansinin ang pag-uusap.
- Martha at Maria: "Kung narito ka lang ay hindi sana namatay ang aming kapatid."
- Jesus: "Ang inyong kapatid ay mabubuhay muli."
- Martha: "Alam ko na siya ay mabubuhay muli... sa huling araw."

9. Apat na araw nang patay si Lazaro noon! Subalit sa tabi ng libingan, si Jesus, ang tagapagbigay ng buhay ay nag-utos! Juan 11:43, 44. "'Lazaro, lumabas ka!' Ang taong namatay ay lumabas!"
Tingnan mo ang masayang tanawin! Ang magkakapatid ay nag-akapan sa isang masayang pagsasamang muli ng pamilya!
Ang mga kapit bahay at mga kaibigan ay nakigalak sa pagdiriwang na ito!

10. Ang pagkabuhay muli at pagsasamang muli ng sambahayan nang araw na iyon ay isang sagisag ng dakilang pagsasamang muli ng sambahayan ng Diyos sa muling pagdating ni Jesus!
1 Tesalonica 4:16, 17. "Sapagkat ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may sigaw, may tinig ng arkanghel, at may trumpeta ng Diyos, at ang mga namatay kay Kristo ay babangon muna. Pagkatapos, tayong nabubuhay na natitira ay aagawing kasama nila sa mga ulap, upang salubungin ang Panginoon sa papawirin; at sa gayon ay makakapiling natin ang Panginoon magpakailanman."
Ang mga mag-asawa ay muling mapipisan! Magsasamang muli ang mga magulang at mga anak! At mga magkaibigan!

Masayang Sambahayan sa Walang hanggan!

11. Makalipas ang 1000 taon ng pagbabasyon sa langit, tayo ay mamumuhay sa isang dinalisay na Bagong Lupa! At iyon ay tunay na magiging kahangahangang tahanan!
- Mataba ang lupa. Ang disyerto ay mamumulaklak tulad ng isang rosas (Isaias 35:1)
- Hindi nananakit ang mga hayop. Ang leon at ang tupa ay manginginain na magkasama (Isaias 11:6-9)
- Mga tirahan sa nayon. Tayo ay magtatayo ng mga ahay at magtatanim ng mga ubasan (Isaias 65:21)
- Kalusugang pang walang hanggan. Wang sinoman ang magsasabi, "Ako ay may sakit" Isaias 33:24)
- Walang hanggang buhay.Ang kamatayan ay lalamunin ng pagtatagumpay (Isaias 25:8, 9)

12. Tingnan ang mga kaluwalhatian ng ciudad - Ang Bagong Jerusalem!
- Ang dingding ay Jaspe at iba pang mahahalagang mga bato! (Apocalipsis 21:18-20)
- Ang mga pintuang-daan ay buong perlas! (Apocalipsis 21:21)
- Ang mga lansangan ay lantay na ginto na parang salamin!
- Ang liwanag ay nagmumula sa kaluwalhatian ng Diyos! (Apocalipsis 21:23)
- Ang pinakadakilang kaluwalhatian: Si Jsus ay makikita ng mukhaan! (Apocalipsis 22:4)
"Pag mukhaan kong makita ang nagligtas sa sala
Pupurihin ko tuwina napakong walang sala."

13. Sa wakas ang buong sambahayan ng Diyos ang magsasama sa walang hanggan!
- Hindi mabilang na karamihan mula sa ibat ibang mga nasyon ang naroon!
Apocalipsis 7:9 . "Naroon ang napakaraming tao na di-mabilang ng sinuman, mula sa bawat bansa, sa lahat ng mga lipi, mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng trono at sa harapan ng Kordero."
- Ang Diyos, ang mapagmahal nating Ama, ay naroon!
Apocalipsis 21:3. "Masdan ninyo ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao. Siya'y maninirahang kasama nila, at sila'y magiging bayan niya. Ang Diyos mismo ay makakasama nila, at siya'y magiging Diyos nila."
- Si Jesus ang ating Tagapagligtas ay naroon!
Apocalipsis 7:17. "Ang Kordero
na nasa gitna ng trono ay siyang magiging pastol nila, atsila'y papatnubayan patungo sa mga bukal ng tubig ng buhay."
- At sa tulong ng biyaya ng Diyos ako ay naroon!
Marcos 16:16. Kung ako ay lalakad na kasama ni Jesus sa ciudad naiyon, ako ay kinakailangang lumakad na kasama ni Jesus sa tubig ng bautismo ngayon.

Ang aking kapasyahan

__ Opo! Ibig kong magkabahagi sa pagsasamang muli ng masayang sambahayan ng Diyos.
__ Opo! Ibig kong mabautismuhan ngayon at isilang na muli sa masayang sambahayan ngDiyos.
__ Opo! Ibig kong ang aking pamilya at ako ay manatiling kabahagi ng masayang sambahayan ng Diyos sa walang hanggan..



Ang aking pangalan __________________________________________________________________

Tingnan kung tama ang iyong mga sagot: 1, M, T,, T 2. T, M, M, T 6


Isinalin sa Pilipino ni Jovenmarlo A. Imperio

No comments:

Post a Comment